10 Signs Para Palitan Na Ang Phone Mo
Pang-personal man o pang-trabaho, araw-araw kang gumagamit ng iyong
phone.
Tita Techie
Dec 21 2-min read
Sa ilang taon, malaki na ang naitulong nito sa’yo kaya mahirap
mag-let go. Pero may mga panahon na kinakailangan na talaga. Ang
payo mula sa Home Credit, kung nararanasan na ng phone mo ang
alin sa mga sumusunod, baka kailangan mo na itong palitan.
1. Deads na deads na kaya pakawalan mo na
Nasa gitna ka ng tawag tapos namatay bigla ang phone mo? Parang
kaka-charge mo lang niyan kanina, ah? Masyado na sigurong
matagal ito sa’yo kaya palitan mo na.
2. Mas matagal ‘yung pag-lag kesa sa paggamit mo
Madibdiban ka ng naglalaro tapos biglang nag-crash. May
ise-search ka para sa trabaho pero lag nang lag ang phone mo.
Kung mas nakaka-perwisyo na ito kesa sa nakakatulong, mas mainam
na magpalit ka na.
3. 1 to 100 ang bilangan ‘pag nagse-selfie
Okay, picture! 1, 2, 3… Ay, saglit lang. Ulit. Blurred. Naku,
‘di pa maganda ‘yung lighting. Kung hindi sapat ang tatlong
bilang para makakuha ka ng magandang selfie, mag-upgrade ka na!
4. More storage space, mas happy
‘Yung marami kang music at dokumento kaso sumasabit ka palagi sa
storage? Napipilitan ka tuloy magbura nang magbura. Sayang, ‘di
ba? Kaya pumili na ng phone na hanggang 128 GB ang kayang
storage!v
5. May forever sa bagal ng internet connection
May importanteng e-mail kang ise-send kay boss pero
nag-connection failed. Sa tuwing magvi-video chat ka, ang
choppy. Kaya para hindi panay loading, matinding 4G connection
ang sagot sa problema mo.
6. Naka-ilang tap ka na wala pa rin
Kung touchscreen ang phone mo pero hindi na gumagana ‘yung
pag-touch mo sa screen, siguro malinaw na sign na ‘yun para
magpalit ka ng phone.
7. Naka-ilang pindot ka na wala pa rin
Oo, iba ‘to sa nauna. Kapag sirang-sira na ang power button,
paano mo ito papaganahin ‘pag naglowbatt tapos kelangan mo i-on
ulit?
8. Literal na hindi ka na makapag-charge
‘Pag nasira ang charger mo, madali itong palitan. Eh ‘pag nasira
ang charging port mo, paano na ‘yan?
9. Sumasabay sa init ng panahon ang battery mo
Sa lahat ng parte ng phone, pinaka-delikado ang battery. Kaya
kung ramdam mong nag-iinit na ito o lumobo na siya, mas maiging
maging maingat.
10. Nireplyan ka talaga, hindi mo lang natanggap
Ang pinakagamit ng phone ay para makatawag at makapag-text ka.
Kapag hindi ka na makatanggap nito o hindi mo na ito magawa,
siguradong siguradong rason na ‘yan para magpalit ka na ng
phone.
Ano man ang mga rason mo, basta bagong phone ang hanap…
#iHomeCreditMoNa! Siguradong scamless [installment shopping for
a
phone](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans)
na legit at sulit! Kung naka-relate ka sa mga nabanggit at may
plano ka na rin magpalit, share mo sa amin anong phone ang iyong
pinapangarap!