Whole image
left image
Nilista namin ang mga bagay-bagay na dapat mong isapuso at isagawa kung gusto mong maging katuwang ang panawid ng budget mo. ‘Di masama ang mag apply for [online loans](https://homecredit.ph/apply/cash-loans) kung para ito sa pagtawid ng pangarap o plano mo para sa mga mahal mo. Kaya, eto na!
Whole image
UNA:
left image
Maging honest sa kung ano ba talagang misyon mo ‘pag dating sa pangungutang. Kung ito ay essentials o ‘di mo talaga puwedeng ipagpaliban, OK. Kung para ito sa luho, bakasyon o gala, mag-isip ka ulit. Baka naman puwedeng next time na ‘yan.
Whole image
IKALAWA:
left image
Sa bawat due date na ‘di mo matatawid, may penalty ito. Kaya iwasan mong ma-trap sa added fees. Mas mahirap na ‘pag ‘di mo ito naabangan at nagawaan ng paraan.
Whole image
IKATLO:
left image
Planuhin ang labas at pasok ng pera buwan-buwan at mula doon, mag-adjust ng gastos. Obligasyon ang utang. ‘Wag mo itong tignan na parusa.
Whole image
IKAAPAT:
left image
Ilaan mo sa tama ang bawat piso ng niutang mo. ‘Di biro ang mangutang kaya, seryosohin mo rin kung saan mo ito dadalhin. ‘Wag papa-distract sa mga temptation na nagkalat sa paligid.
Whole image
IKALIMA:
left image
Speaking of temptation, ‘wag na ‘wag mong bigyan ng chance na mapunta ang utang mo sa mga bagay na panandalian lang ang balik. Totoong nakaka-engganyo ang magpunta sa mall o mag-blowout sa mga barkada, pero, paki usap. Unahin mo ang dapat unahin.
Whole image
IKAANIM:
left image
Sa bawat utang mo, matutong mag-tabi ng kahit kaunting parte nito. Siguro, sa bawat 1K na utang, kahit 100 pesos nito, itago mo. Magiging tulong ito sa’yo sa panahong gipit ka. At matututo ka ring mag-save paunti-unti.
Whole image
IKAPITO:
left image
Para madagdagan ang kita at ang pambayad sa mga bills at sa utang, maghanap ng paraan na nakakaenjoy at nakakakuha ng ekstrang kita. Maraming raket na madali, marangal at may perang balik sa’yo tulad ng: encoder, virtual assistant, gamer, at online selling.
Whole image
IKAWALO:
left image
May mga panahon bang sinasarili mo o sinisekreto ang utang mo para ‘di na maging dagdag-isipin ng mahal mo sa buhay? Mahirap itong usapan pero dapat ay alam din ng importanteng tao sa’yo ang totoong lagay mo sa financial aspect. Makakatulong ito lalo na kung ang main reason ng gastos mo ay ang mga gastos sa bahay kung saan kasama mo sila.
Whole image
IKASIYAM:
left image
Isama mo na rin ang mga mahal mo sa budget planning. I-meeting sila at ipakita ang mga paraan kung paano makakatipid.
Whole image
IKASAMPU:
left image
Ngayong natapos mo na ang paga-adjust, budget planning kasama ng mahal mo, pagbabayad bago mag-due date, at iba pa, ‘wag na ‘wag kang susuko sa pagsisikap. Tuloy mo lang ang pagpasok sa trabaho. Maging mabuting tao. Patuloy na mangarap at gawain ang makakaya para makamit ito.
Chat with us kung naghahanap ka ng maayos na kausap para matawid ang cash loan na hanap mo!