Whole image
left image
Kung naghahanap ka man ng regalo para sa ‘yong techie special someone o nagnanais mag-upgrade ng [laptop](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school), ‘wag mangamba. Narito kami with a checklist ng mga kailangan hanapin sa isang certified sulit model!
Screen Size: Sapat Ba?
Sa halagang 25k, makakahanap ka ng laptop na nasa 11-14 inches ang screen. Maganda ang ganitong size dahil nakakalevel-up ito ng gaming experience para sa mga manlalaro, viewing experience para sa mga gustong mag-livestream ng videos nang walang patid, pati na rin work experience para sa mga graphic designers!
Image Quality: Sakto Ba?
I-check ang IPS o In-Plane Switching ay perfect para mga graphic designers, video editors o sino mang naghahanap ng laptop na mayroong “wide-viewing angle.” Ibig sabihin nito, matingkad pa rin ang mga kulay at sharp bawat litrato/video sa kahit anong anggulo!
Memory At Processor: Mabilis Ba?
Ang RAM o Random Access Memory ang ginagamit ng laptop upang i-store ang data na kailangan ng isang software para mapatakbo ito nang maayos. Kumbaga, kung ang software ay isang kotse at ang laptop ang pagawaan, ang RAM ang tool box.
Kung tool box ang RAM, maihahantulad naman ang processor sa mekaniko. Hindi sapat ang malaking RAM kung hindi mabilis ang iyong processor dahil ito ang mismong nagpapatakbo ng mga gamit mong software! Malaki at kumpleto nga ang toolbox, mabagal naman magtrabaho ang mekaniko. Paano na ‘di ba?
Battery Life: 8 Hours Ba?
Dapat at least 8 hours ang kapasidad ng battery ng laptop mo para hindi kailangan paulit-ulit mag-charge at tuloy tuloy lang ang paggamit!
Cooling System: Disente Ba?
Mag-invest sa isang model na may built-in cooling system para maiwasan ang pag-overheat ng laptop na kadalasang nakasisira ng mga parte nito.
Warranty: Legit Ba?
Mahalagang itanong kung gaano katagal ang warranty ng laptop bago ito bilhin para malaman mo kung hanggang kailan mo lamang maaaring ipaayos o ipapalit ang laptop kapag nasira ito. Siguraduhing sa mga trusted stores maghanap ng laptop na swak sa specs at swak sa budget n’yo.