Whole image
left image
Maaari kang magsimula sa mga maliliit na objectives tulad ng pagkakaroon ng emergency fund, o mag save para sa iyong dream house.
Anuman ang mga financial goals mo, magiging challenging pa rin ito lalo na kung wala kang solid budgeting plan. Maaaring mahirap ito sa simula, ngunit hindi ito imposible! Sa katunayan, kayang kaya itong i-manage, gaano man kalaki ang kinikita mo.
Basahin ang mga tips na ito to get you on the right path sa pag-achieve ng iyong financial goals:
I-assess ang iyong cash flow
Mag-conduct ng basic accounting ng pera na kinikita mo regularly. Mula doon, kunin ang lahat ng expenses para sa iyong mga pangangailangan, gaya ng rent, pagkain, atbp., at tingnan kung saan pa napupunta ang iyong natitirang pera. Mapapakita nito kung saan mo inilalaaan ang iyong pera at kung ano ang mga kinakailangang adjustments para dito. Kung napapansin mong napaparami ang gastos sa mga hindi masyadong importanteng bagay, unti-unti itong bawasan para makadagdag sa ipon.
Huwag pahirapan ang iyong sarili
Hindi masama ang paggastos sa iyong sarili. Hangga’t hindi mo ginagalaw ang pera na nakalaan para sa iyong mga pangangailangan at savings from your cash flow, maaari mong gamitin ang natitirang pera para sa iyong sarili. Mahalaga na mag-iwan ng pera para sa libangan dahil maaaring magpatuloy ang paggastos nang wala sa budget kapag masyado kang mahigpit sa iyong finances.
Panatilihing ligtas ang iyong pera
Ang isa sa mga secrets to save successfully ay ang “pagkalimot” ng iyong pera. Hindi dapat madaling maa-access ang iyong savings ng basta basta. Maaari mo itong gamitin for emergency purposes, ngunit hindi para sa mga biglaang paggastos sa mga hindi mo talaga kailangan. Para mas mapadali ito, huwag ilagay ang iyong savings sa account na madalas mong ginagamit (halimbawa, ang iyong payroll account). Sa halip, magbukas ng panibagong account para sa iyong savings at iwanan ang ATM card nito sa bahay.
Maraming mga budgeting tips na pwedeng sundin para maging successful sa iyong mga financial goals, ngunit ang mga nasa itaas ay ang mga basic building blocks na makakatulong sa pag-establish ng isang matatag na pundasyon para sa iyong mga financial goals in the future.