4 ‘More Benta’ Tips For Online Sellers
Mula bag hanggang polo, sapatos hanggang cellphone – ang daming
iba’t ibang binebenta online na swak sa budget.
Tita Techie
Jan 03 2-min read
Lahat tayo mahilig bumili ng sulit kaya parami nang parami
ngayon ang lumilipat sa internet para maghanap ng mga gamit.
Mula bag hanggang polo, sapatos hanggang cellphone – ang daming
iba’t ibang binebenta online na swak sa budget. Kaya kung
naghahanap ka ng iba pang paraan para maitawid ang sangkatutak
na bills at gastusin, alamin kung paano maging patok na online
reseller!
#1 Kilalanin si Suki Para Tama ang Diskarte
Mahirap magbigay kung ‘di mo alam ang hinahanap. Kaya mainam na
mag research kung aling bagay ang laging patok sa mga balak mong
pagbentahan. Isang halimbawa na lang ang sapatos. Sa mundo ng
mga mahilig pumorma, hinding hindi mawawala ang apela ng
magandang kasuotan sa paa!
#2 Tamang Timing is Everything
Tulad ng pagkakaroon ng lovelife, ‘di pwedeng ipaubaya na lang
sa swerte ang online reselling. Kailangan tama ang timing!
Alamin ‘di lang kung anong oras madalas online ang mga balak
mong pagbentahan pero pati na rin ang mga iba’t ibang nagiging
usong bilihin.
#3 Tularan ang Kalaban
‘Pag dating sa online reselling, kailangan mayroon kang kaalaman
tungkol sa ginagawa ng mga iba pang nagbebenta para ‘di ka
makapag-iwanan. Sa pag-aral ng mga diskarte nila, maaaring
matutunan kung paano mag presyo at maglarawan ng mga produkto
para gawing mas patok ang mga ito!
#4 Tapat Dapat, Dapat Tapat
Mahalagang maging tapat sa kundisyon ng mga gamit na binebenta
mo. Kasi sa oras na may makitang sira na ‘di mo ipinaalam bago
pa man nila bilhin ang gamit, mahihirapan kang ibalik ang tiwala
nila sa ‘yo bilang online reseller.
Tulad ng karamihan ng negosyo, trial and error ang online
reselling. Kaya mabuting maging handa bago ka pa sumubok. Sa
tulong ng pag research ng iba’t ibang diskarte at sa
paninigurado na good quality ang mga ibebenta mo, mas mapapadali
ang simula ng iyong pagiging online reseller. [Home Credit has
cash loans](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Help/Cash-Loan)
to help you get started!