Whole image
left image
Parang kailan lang, ‘yung 3G napilitan ng 4G, ‘di ba? Kahit may lags, hang at kung anu-ano pang kabagalan, may natulong ang jump natin sa mundo ng 4G.
Dahil sa 4G technology, dama mong mas sulit ang bawat load na naubos mo kasi mas “masarap” ‘yung panonood mo, pagfe-Facebook mo, pag-video call mo sa mahal mo sa buhay, at syempre, paglalaro mo ng online games para iwas stress.
Because **#KnowledgeIsPower**, eto ang mga **#NoFakeNews** information na sasagot kung sulit nga ba ang pagi-invest sa 5G-powered devices tulad ng cellphones.
Whole image
Investment Ba O Luho Ang 5G?
left image
#WalangHassle na pag-download ng graphic-heavy game. O kaya naman walang lag sa panonood ng videos na naka-HD? Sa mundo ng 5G, VERY basic lang ang mga ito.
Ang 4G ay parang mga luma o classic na modelo ng sasakyan. Nagagamit mo, masaya ka, pero may kabagalan. Mas mura syempre ang presyo ng 4G pero kung iisipin mong mabuti, lalo na sa panahong ganito na online ang nagtatawid sa ating pangaraw-araw ng galaw. Ang 5G ay isang magandang option. May kamahalan man, maraming ginagawa upang mas gawin itong mas abot kaya ng masa.
Parang high speed car na masarap tignan at i-drive ang speed at convenience ng 5G. Mas sulit ang load, mas hindi saying sa oras mo.
Gaano Nga Ba Kabilis Ang Bilis Ng 5G?
Ayon sa research ng Digitaltrends, maraming “pangako” ang 5G technology pero dahil nga bago pa lang ito, sinubok ng eksperto ang power nito sa totoong mundo. Heto ang resulta ng download speed at upload speed.
Kung may 5G technology sa Pilipinas ngayong panahon na kailangan ng mabilis na internet connection:
- Mas madali ang access ng mga estudyante na naka-online learning - Hindi na kailangang mag-hintay magkaroon ng signal para sa importanteng tawag - Mas mabilis na pag-access ng balita kahit sa panood sa cellphone - Mas mabilis na pagse-search sa Waze o Google map para mas focus sa driving - Mas secure na online banking payment at iba pang transactions
‘Pag dating naman sa security and safety lalo na sa flood-prone at mga lugar na maraming gulo, makakatulong ang technology ng 5G para mas gawing ligtas ang mga tao.
Whole image
left image
Kung ikaw naman ay madalas magpunta kung saan-saan para sa trabaho o kaya nama’y para makasama ang mga mahal mo sa buhay, aim ng 5G na bigyan ka ng walang patid na connection.
Nakakabilib ‘di ba? ‘Yung sana all mo, magiging Thank You, Lord na ba?
Whole image
left image
**Tandaan:** Maraming hakbang at mahal pa sa ngayong ang paglalagay ng 5G networks. Malaking challenge ito pero kung pagtutulungan at titignan ang long-term na benefits, magandang simulaan na ito habang maaga. Taon ang binibilang para maitatag ang technology na ito. Sabi nga nila, **kung hindi ngayon, kailan pa?**
Recently, may kumalat na balita na ang 5G daw ang dahilan ng pagkalat ng COVID-19. Ayon sa Metro News UK, mga 34 countries pa lang ang mayroong established 5G technology kaya impossibleng ito ang maging carrier ng virus.
Whole image
left image
Kita naman sa data na nilalabas ng World Health Organization na hanggang ngayon, maraming bansa pa rin may 5G man o wala ay nilalabanan pa rin ang pag-kalat ng sakit na ito.
US at Russia lang ang may established o matatag na 5G network sa mga bansa kung saan pinakamataas ang cases ng COVID-19:
- India - United States - Brazil - Colombia - Peru - Argentina - Mexico - Russia
Tanong Ng Bayan: Oras Na Ba Para Sa 5G Upgrade
Totoo namang ang mga naunang model o unit na may 5G ay napakamahal. Ang nagging tingin tuloy ng marami ay pang-elitista o hindi pang-masa ang technology na ito.
Ngayong 2020, nakakatuwang makita na parami ng parami ang mga mas mura at magagandang cellphones na may 5G feature. Kung naghahanap ka ng phone, marahil hindi mo pinapansin kung 5G compatible ba ‘to pero ang isipin mong sa panahong ito o sa susunod mong pag-bili ng phone, hindi ito para lang sa luho o lakwatsa.
Whole image
5G Phones na available sa Pilipinas na hindi gaanong kamahalan na decent o mas maganda pa sa normal ang performance:
left image
- Vivo X50 Pro - Oppo Reno 4 Pro - Huawei Nova 7 SE 5G - Redmi K30 5G - Huawei Nova 6 5G - Xiaomi Mi 10 Lite 5G - Xiaomi Mi MIX 3 5G - Xiaomi Mi 10 Pro
Importante ang phone para sa trabaho at para sa pag-check sa mga mahal mo. At syempre, ang walang hassle na connection ay isang napakalaking tulong para sa’yo. Investment na talaga ang phones ngayon, kaya naman i-check mo ang mga specs ng “dream phone” mo.
Shop wisely! [Shop on 0% installment para future-ready ka.](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans)