Whole image
left image
Whole image
left image
Nag-interview kami ng mga tao na naghahanap ng extra cash o iniisip kumuha ng [cash loan](https://homecredit.ph/apply/cash-loans). Syempre, importanteng factor ang pagiging honest lalo na kung ‘di mo pa masyadong alam ang galawan nito. Based sa mga sagot, ang utang ay mula sa essentials tulad ng bills at tuition o gastos sa school. Dahil nagkaroon din ng maraming challenges sa health ang mga tao ng nakalipas na taon, naging isang source din ang medical expenses o gamot para makatawid. Ang pagi-invest naman sa phone, laptop o gadget ay dala rin ng work from home na naging parte na rin ng pagta-trabaho o negosyo lalo na’t uso ang online selling ngayon.
Whole image
left image
"May benefits o advantage o kagandahan ba ang utang o credit? Yes kung gagamitin mo ito at ima-manage ng tama. Ang mga responsableng tao na aming tinanong ay naging panawid ang utang para sa kanilang ‘di maiiwasang emergency expenses tulad ng: - Sirang home appliance na kailangang palitang tulad ng washing machine - Laptop na biglaang requirement para sa work o school - Medical emergencies para sa pamilya o mahal sa buhay Kung gagamitin din sa tamang paraan ang utang, mas nagiging maayos ang cash flow o budget lalo na kung maliit ang kita o may mga biglaang bayarin na ‘di mo naisama sa plano mo."
Whole image
left image
Lagi mo ding tandaan na ‘di masama ang utang kung alam mo ang limit at ang kakayanan mong bayaran ito sa tamang oras. Sa bawat tamang oras ng pagbabayad, nasisigurado mong ‘di problema ang interest na natural na parte ng mundong ito. Magtabi ng budget para sure na sure kang wala kang mami-miss na due date. Mag-tipid at matutong mag-ipon din lalo kung alam mong may dapat ka pang bayaran maliban sa bills, groceries at renta sa bahay kung umuupa ka.
Whole image
left image
Sa usapang malaking tubo o interest na budol, eto rin ang totoo. Kaya lumalaki o tumataas ang interest ay dahil sa ‘di pagbabayad on or before due date. Nakalagay ito sa kasulatan o kontrata na pinirmahan mo. ‘Di ito pasakit. Ito ay nakasaad sa kasunduan. Kung naiipit ka sa due date, itanong sa sarili kung dapat mo bang iayos ang budgeting skills mo. Kaya mo ‘yan kung ang plano mo ay maayos at sinusunod mo rin. Sa umpisa, medyo mahirap ‘to dahil nakakapanibago.
Whole image
left image
Isipin mo rin ang ginhawa na binigay sa’yo ng bawat utang o credit mo. Kung ang mindset mo ay utang para makatawid sa buwanang kakulangan sa budget, good credit ‘yan. Kung para sa pamilya at mahal mo sa buhay at sa kanilang kinabukasan, OK ‘yan. Tiyaga lang talaga at tiwala na giginhawa ka rin. Kapit lang. At focus lang sa pag-kayod para sa asensong naghihintay sa’yo. Darating din ‘yan. Abangan mo lang.