Anong Phone Brand ang Perfect for you?
‘Pag dating sa #phonebrands, ang #brandwars at #brandlove ay laging
hot topic. Kung naghahanap ka bagong phone pero nalilito sa dami ng
trusted at mga winner na new brands, eto ang guide para sa’yo.
Tita Techie
Dec 21 2-min read
First Things First
Malamang mayroon ka ng “bet” o “manok” na brand o unit, pero may
parte pa rin sa puso at utak mo na ‘di pa rin super sure dahil,
sobrang daming choices. Ang checklist na ‘to ay magiging gabay
mo sa pag-hunt down ng sulit, swak at talagang “worth the wait”
na phone mo. Ano nga ba ang pinaka magagandang features ng bawat
brands? Swak nga ba ang choice mo sa ino-offer ng mga phone
brands na ‘to?
A Dream Come True Sa Apple
Apple ang isa sa mga top dream phones ng mga tao –gamers,
vloggers, online sellers, at iba pa. Bakit? Iba talaga ang
dating ng logo at ng design. Isa rin ang Apple sa pinaka matinde
‘pag dating sa pagiging simple pero ang lakas mabigay ng
“nakakaluwag-luwag” vibes. Hindi man napakarami ng models o
units na niri-release ng Apple, sure na sure ka namang
pinag-isipan ang mga ito. Isa sa pinaka-highlight din ay ang
pagiging palaban ng processor nito kahit pa ‘yung mga medyo
lumang models na. Ang isang pinaka top reason kung bakit ka
magi-invest sa phones na ‘to na may kamahalan ay dahil secured
ang mga data mo dito. Walang kaba na baka maka-encounter ka ng
identity theft issues. At hindi biro ito lalo na kung nakakabit
ang online banking details at iba pang personal information mo.
Solid At Strong Si Samsung
Isa pa rin ang Samsung sa pinaka trusted at favorite brand sa
cellphone category. Minsan pa nga, ‘yung mga mahihilig sa Korean
drama or K Pop, nai-influence din ng mga idols nila kaya
napapasali sila sa Team Samsung. Kilala ang brand na ‘to sa
pagkakaroon ng very wide range ng prices. Kung budget meal
mindset ka, ang A and M series ang mga puwede mong i-check out.
Sabi pa ng mga critics at techies, ang A series ay for “awesome”
kasi pangmalakasan ang specs kahit pa ‘yung mga mas lumang
models. Kung midrange at flagship devices naman, ang Note Series
ang isang standout sa lahat dahil sa S Pen nito. Perfect ito sa
mga mahilig mag-drawing at nami-miss magsulat gamit ang pen and
paper.
Wow-wow-Huawei, Wow-wow-win
Time are changing at ‘yan ang pinatunayan ng Huawei. Isa sa
pinaka bago at pinaka “laban lang ng laban” na phone brand. Kung
iisipin mo ng mabuti, maraming phone brands naman din ang made
in China or assembled in China kaya nga ‘di surprise na
magkaroon ng China represent sa usapang cellphone. Kahit medyo
bago sa market ang Huawei, matagal na itong established brand sa
China. Ang highlight ng brand na ‘to ay parang talagang seryoso
ito sa pakikipag-battle sa Samsung at sa Apple. Isa ito sa
brands na nagpasimula ng “mura pero ‘di sing-mahal” na
cellphones. Naging isang agaw-eksena ang camera nito pati na rin
ang gaming phones na mas mura sa Samsung at Apple pero sure na
‘di naman nagpapahuli sa performance at quality. Ngayon, isa rin
ang Huawei sa pag-push ng 5G connection na sinasabing isang
“future-proof” feature na dapat ay meron ang bagong phone mo.
Shop Me, Smile And Love Me Like A Xiaomi
Kung dati ang “china phone” ay clone at panget ang reviews, ‘di
na ngayon. Malayo-layo na rin ang narating ng Xiaomi dahil
bagsak presyo ito at ‘yung performance ay sakto naman lalo na
para sa ‘di naman sobrang mapili. Ang battery life ang isa sa
mga best features ng Xiaomi.
Yes Na Yes Po Sa Oppo
Ang Oppo naman ay naging maingay sa selfie expert category. Kung
ikaw ‘yung tipo na mahilig talagang mag-picture, mag-video, at
maging fashionable, malamang ito ang para sa’yo. Kilala ang Oppo
sa premium looking designs na magaan at masarap sa kamay dahil
sa plastic build nito. May mga gaming phones din ang Oppo na
puwede mong i-check out. Tandaan, ang magandang gaming phone,
magandang daily cellphone na ‘yan.
Bibong Vivo, Todo Mo Na ‘To!
Isa pang may mga pa-fashionable flavor ang Vivo. Kung ikaw ‘yung
tipo na gusto ng ‘di pahuhuli sa uso na design at vibrant
colors, worth checking out ito. Kung ikaw din ‘yung mahilig
mag-social media o casual mobile gamer na ayaw ng mainstream
brands, go na go with Vivo!
Real Talk With realme
At syempre, ‘di pahuhuli ang realme. Isa sa pinaka surprising
cellphone brands na laging may pakulo at pa-release. Isa sa
pinaka maraming release ang realme. Medyo nakakagulat ‘yung baba
ng presyo pero maganda rin ang quality. Minsan nga iisipin mo
rin, kung bakit sobrang mura pero matutuwa ka rin talaga kasi
decent ang overall reviews ng realme.
Ngayong may side by side comparisons ka na nga mga cellphone
brand highlights, i-check out mo na kung ang dream phone mo dito
sa #HomeCreditMarketplace. Shop now, get instant pre-approval na
rin. [Naka 0% interest loan
lahat](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans)
ng products natin kaya go mo na!