Whole image
left image
Ang mga tumatawag na scammers ay i-inform ka na base sa kanilang contact tracing, ikaw ay exposed sa isang COVID-positive at kailangan mong mag self-isolate at ma-test sa loob ng 72 oras. Dahil sa urgency, ike-claim nila na tutulungan kang magpa-test; tatanungin nila ang iyong address para ipadala ang testing kit, ngunit kailangan mo muna itong bayaran dahil hindi ito libre.
Kapag hindi mo ibinigay ang iyong bank card/credit card details, tatakutin ka nila na ikaw ay magkakaroon ng penalty dahil hindi ka nag comply dito.
**Maari tayong ma-alarma at malinlang na mag comply rito, kaya naman heto ang mga tips upang maiwasang maging biktima nito:**
KUMPIRMAHIN
Kung ikaw ay hindi sigurado, tanungin ang caller kung para saang establishment siya tumatawag. Kung ang nasabing establishment ay napuntahan mo sa loob ng 14 na araw, kailangan mong makinig sa sasabihin ng caller. Makinig, pero maging alerto pa rin sa kanyang mga sasabihin.
HUWAG IBIBIGAY ANG INYONG PERSONAL NA DETALYE
Kung ang caller ay mula sa isang establishment na napuntahan mo, dapat ay alam niya ang mga detalye tungkol sayo, katulad ng buong pangalan, lokasyon, etc. – ang mga ito ay ang mga isinulat mo sa kanilang Health Declaration Forms.
KUNG IKAW AY SINABIHANG MAGBAYAD, ITO AY ISANG SCAM
Kung ikaw ay talagang tutulungan nilang magpa-test, magbibigay sila ng valid na rekomendasyon kung saan ka magpapa-test. Ang test ay ina-administer lamang ng isang medical professional; hindi mo kinakailangang magbayad para i-deliver sa iyo ang testing kit.
**Kung patuloy nilang igini-giit na kailangan mong masuri kaagad para sa compliance, sabihin sa kanila na ikaw ang makikipag-ugnayan sa iyong LGU / klinika / ospital upang mag comply, at tapusin ang tawag.**
Maging maingat. Sinasamantala ng mga scammers ang pandemyang ito. Kung may kilala kang ibang tao na maaaring malinlang sa mga pag-atake na ito, i-alerto siya at ipagbigay alam ang mga tips sa itaas.
Magtulungan tayo! Magpapatuloy kami sa pag share ng mga tips para maiwasang ma-scam. Stay safe and healthy!