Whole image
left image
Kung kailangan mo ng inspiration para tuparin ito, heto ang mga totoong kwento ng mga itinawid ang small spaces nila at higit sa lahat ang budget at ang #dreamhouse goals nila. Be inspired and just do it… now na!
Whole image
Unahin Muna Ang Gadgets O Appliances
left image
Nagsimula ang pangarap ni Ian sa kanyang kwartong gawa sa kawayan. May isang ilaw at maraming baon na pangarap. ‘Wag pilitin na sabay-sabay ang pagbili dahil ikaw din ang mahihirapan. Ang mindset ni Ian ay pangarap na may kasamang gawa. Gusto lang n’yang umuwi sa bahay na meron s’yang space na puwedeng mag-relax tapos ang mahabang araw sa trabaho.
Ano ba ang mga tips na makukuha natin sa home makeover na ‘to ni Ian? - kung may aircon ka, sukating mabuti ang floor area para makatipid sa kuryente; mas mabuti ng maging “over-estimate” kesa maging kulang ang pag-estimate mo - ang size ng TV mo ay depende sa choice mo, budget at lalo na sa space mo; puwede naman ang HD kaysa UHD kung tipid mode ang habol mo at mas maliit din ang space mo - hindi kailangang sobrang daming design lalo na kung simple lang naman ang style mo
Whole image
Dream Big, Start Small
left image
Nitong pandemic, naging trending ang makeover ni Nelo Coloma isang photographer dahil kung titignan mo ang before and after, talaga namang bibilib ka. Hotel room ang inspiration n’ya. Mula sa napaka simpleng kwarto na halos walang laman, dahil sa sipag, patience at pagiging madiskarte, natupad ito.
Ito ang ilan sa tips para maging gadget-friendly ang #hotelvibes bedroom na naging home entertainment space na rin ni Nelo: - lighting is key para magkaroon ng hotel feel ang kwarto mo - maglagay din ng electric fan para mas makatipid kung ‘di naman sobrang init - ang soundbar o speakers mo ay depende rin sa laki ng space mo
Whole image
33 DIY Projects For Only P5,300!
left image
Si Mark Estrella ay isang bagong YouTuber na isa ring junior architect. Ang kwarto n’ya ang naging patunay na ‘di lahat ng projects na may architect ay mahal! Nasa mindset ni Mark ang pagiging abot-kaya ng kanyang design.
Dahil sa bahay s’ya malimit nitong lockdown, naisipan n’yang ituloy ang bedroom na naging #workfromhome space na rin n’ya. Ang mas nakakabilib pa maliban sa own design n’ya ay naka-33 DIY projects s’ya at gumastos lang ng… wait for it… P5,300!
Whole image
left image
Ang mga mahal na tables para sa kanyang laptop at printer ay gawa ng tatay n’ya. Dahil nga personalized, siguradong sakto sa tamang height at width ang workspace n’ya. Iwas-sakit ng likod at batok, iwas gastos pa, ‘di ba?
Eto pa ang mga #designtips para maging “parang mahal pero parang lang” ang space mo: - Malaki ang natipid ni Mark dahil naghanap s’ya ng mga raw materials na puwedeng i-recycle. Kesa bumili, naging creative s’ya sa pag-gaya ng mga mas mahal na version ng gusto n’yang designs sa kwarto n’ya tulad ng lumang bote o lalagyan. - Mag-check ng YouTube, Instagram, Pinterest atbp. para sa mas marami kang ideas - Para mas maging maganda ang space mo, gawin itong multi-functional tulad ng kwarto ni Mark
Whole image
’Wag Papatalo Sa Small Space!
left image
Na-share ni Aiko na ang mezzanine nila ay ginawa nilang space para sa isang kama at work/study area. Ang husband n’ya ang nag-effort para walang masyadong gastos maliban sa materials. Marami ring challenges pero dahil sa teamwork ng couple at goal na maging mas maayos ang kanilang bahay, naghanap sila ng paraan para matapos ito.
Small space ideas na gadget-friendly na, family-friendly pa: - Bago mag-start ng home makeover, magbawas ng gamit para mas madaling magplano. - Para mas makatipid ng space, maghanap ng upuan, lamesa at gadgets na functional at cute din tignan - Kaysa mag-desktop, mag-laptop na lang kung kaya ng budget at kung sapat naman ang specs nito para maayos ang trabahong kailangan mong gawin.
Whole image
Quality Over Quantity Is Key
left image
At 24 years old, nagsubok si Colette at ang husband n’ya na buuin ang kanilang dream home. After ng wedding nila, naghanap sila ng bahay na swak sa budget nila.
Sa tulong ng pagiipon at pag-focus sa mga priorities, natupad nila ang minimalist home makeover nila. Eto ang #homemakeover lessons from Teacher Colette’s home improvement project: - ang paggamit ng white paint ay mas matipid dahil puwede na rin itong maging base coat - pumili ng gadgets at appliances na madaling ilipat at i-store - ang dining table ay puwede na rin maging work from home space
Whole image
Winning Mindset: Maganda Na, Mura Pa!
left image
Si Lai ay proud na proud sa project nila para sa sala na may home entertainment din nila. Tandaan na maliban sa mas mura, ang pagpapa-sadya ng cabinet para sa TV, speakers at iba pa may mas swak sa design at space mo.
Ang scrap woods ang naging main materials ng sala set at cabinets nina Lai. Hindi mo na rin kailangan itong pintahan dahil maganda na itong tignan at uso na rin ang style na ‘to.
Tandaan! Laging maghanap ng tipid tips na sulit na sulit. Kung kailangan mo ng mga gadgets at appliances na sulit, naka 0% installment lahat ng items dito sa Marketplace. [Shop now, pay on easy installment later](https://www.homecredit.ph/apply/product-loans), always and forever!