Sabi nga nila, sa buhay, importante na masaya at nag-eenjoy ka
sa kung anuman ang ginagawa mo. Ang adulting ay isa sa mga yugto
ng buhay na talaga namang masasabing challenging pero exciting.
Dito maaaring maranasan ang iba’t ibang responsibilidad na
maaaring kaharapin bilang isang indibidwal. Naihanda mo ba ang
sarili mo para dito?
Isa sa mga exciting na parte ng pagiging adult ay ang
pagkakataon na maging responsable sa expenses o gastos mo. Ibig
sabihin nito, dahil may kakayanan ka na kumita ng pera, may
kakayanan ka na rin dapat makontrol ito sa kung saan at paano mo
gagamitin.
**Sa kabila ng pagiging challenging nito, makakatulong na
magkaroon ng mga ilang diskarte kung paano ito pwedeng ma-enjoy
lalo na sa usapin ng paano ma-manage ang gastos at mga
responsibilidad mo:**
Ilista ang monthly budget mo
Kada buwan, gumawa ng listahan ng mga kailangan mong bayaran at
i-budget ang kinakailangang gastusin para sa isang buwan.
Halimbawa, bayad sa internet, budget sa pagkain at pamasahe, at
kung ano pa. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang labas ng pera
mo tuwing buwan.
Bayaran nang buo at tamang oras ang mga bills
Malaking bagay na mabayaran ng tama sa oras at buo ang mga
kinakailangang bayaran tulad ng monthy bills (credit cards,
loans, electricity, etc.) upang makaiwas sa pagbabayad ng
interest o late charge fees.
Bumili lamang ng kayang bayaran
Isa ito sa pinaka-importanteng dapat matutunan kung ikaw ay
nagsisimula ng magtrabaho at kumita ng pera. Iwasang bumili ng
mga bagay na hindi kailangan o lagpas sa kaya ng iyong budget.
Gumastos nang naaayon sa iyong kapasidad na bayaran ito.
Maraming magagandang benepisyo ang pagma-manage ng iyong
gastusin ngayong #CertifedAdult ka na kung gagamitan mo lamang
ito ng mga tamang diskarte. May magandang dulot na, ma-eenjoy mo
pa dahil mas may pagkakataon kang makapag-ipon para sa mas
kinakailangang pagkagastusan o maaaring ilagay sa emergency
fund.
Isa pang makakatulong ang pagkakaroon ng Home Credit Card para
mas maging madiskarte sa iyong mga gastusin. Para sa iba pang
exciting na offers ng Home Credit, i-download lamang ang My Home
Credit sa Google Play Store ng libre.