Whole image
left image
Sino nga bang mag-aakala na aabot ang pagsasailalim ng halos buong bansa sa General Community Quarantine ng humigit kumulang 300 na araw? Dahil dito, limitado pa rin ang kilos ng mga tao, lalo na ang mga nagta-trabaho at mga estudyante.
Bago mo tuluyang pag-isipan ang sagot, narito at alamin mo ang mga bagay na maaari pang magawa habang nasa work from home status pa rin hanggang ngayon. Maaaring nagawa o naranasan mo na mga ito, o maaari ring hindi pa.
Whole image
Mag-designate ng kakaiba at maayos na working space
left image
Para maiwasan ang pagka-boring sa pagta-trabaho habang nasa bahay, maaaring mag-isip o bumuo ng kakaibang working space. Makatutulong ito para mas ma-enjoy ang iyong ginagawa. Maaari ring gayahin ang working space na mayroon ka sa iyong opisina o mas maganda pa rito.
Whole image
Gumawa ng schedule o timeline para sa iba’t ibang aktibidad
left image
Bukod sa paggawa ng timelines para sa mga deadline sa trabaho, maaaring gumawa ng schedule para sa ibang mga pwedeng indoor activities tulad ng pag-schedule ng binge-watching ng paborito mong kdrama, oras ng work out, catching up video call sa mga kaibigan, paggrocery at kung ano pa.
Whole image
Maaaaring maglaan ng mga araw na nakabihis pang-trabaho
left image
Marahil ay isa sa mga pinaka-komportableng pakiramdam ang pagsusuot ng pantulog o pajamas sa bahay. Gayunpaman, para mas maramdaman mo ang iyong work from home set-up, maaari kang maglaan ng mga araw na nakabihis o nakaayos ka nang pang-alis o pangtrabaho. Makatutulong ito sa pagkakaroon mo ng mindset na ikaw ay nagta-trabaho at para maiwasan ang minsanang pakiramdam ng pagka-burn out dahil nasa bahay lamang.
Whole image
Mag-simulang mag-discover ng mga panibagong hobbies o gawain
left image
Ito na ang pagkakataon mong alamin pa ang mga bagay na kaya mo pang gawin. Halimbawa, subukang magluto ng putahe na matagal mon ang nais subukang lutuin, maghanap ng mga maaaring indoor sports na pwedeng gawin, mag-aral mag-gitara o magpinta. Makatutulong ito upang magkaroon ng ‘me time’ habang naka-work at home ka.
Mag-enroll ng debit o credit cards sa mga cashless transactions
Bukod sa pagkakataong maka-save ka dahil halos nasa loob ka lamang ng bahay, pagkakataon mon a ma-monitor ang iyong expenses sa pamamagitan ng pag-e-enroll ng iyong debit o credit card sa mga cashless transactions. Bukod sa safe ito dahil maiiwasan ang interaction, mas makakatipid ka sa oras at mas makakapag-bugdet ka ng iyong monthly expenses.
Maraming alternative activities na pwedeng gawin habang ikaw ay naka-work at home status pa rin hanggang ngayon. Bagamat challenging ang sitwasyong ito, isaisip lamang na mas makabubuti ito sa kapakanan nang mas nakararami.
Para mas ma-enjoy at mas ligtas habang nasa bahay muna, i-enroll na ang inyong debit card sa cashless payment transactions ng Home Credit para sa pagbabayad ng inyong loans. [I-download na ang My Home Credit app sa Google Play Store.](https://play.google.com/store/apps/details?id=ph.homecredit.myhomecredit&hl=en&gl=US)