Whole image
left image
Kakaiba itong paraan ng pagbebenta online dahil imbis na mag-post ng litrato ng mga gamit, isa-isa itong pinapakita sa FB Live. Pwede pang kausapin ng nagbebenta ang kanyang mga manonood ala vlogger para plus points sa mga potential suki! Gusto mong subukan? Narito ang aming checklists para masimulan mo ang pag Live Selling!
**Malinaw na camera at maayos na mic para mas patok ang benta**
Upang makatulong sa pagdesisyon ng iyong manonood, dapat malinaw ang camera ng cellphone mo para klaro mong maipakita ang iyong mga gamit – kulay, kundisyon, at iba pa! Mahirap magbenta kung hindi mo mailarawan nang maayos ang iyong mga gamit. Kaya mahalaga na maganda ang sound pick-up ng mic ng cellphone mo. Hindi yung mapapa “Ano raw?” lang lagi ang iyong mga manonood!
**Pagdating sa tripod, ‘di pwede ang pa-fall!** Dapat matibay at mabigat ito para hindi basta-basta mahulog ang cellphone mo kahit hanginin o masagi ito. Kung ikaw ang type na gusto pabago bago ang location, dapat kayang makipagsabayan ng tripod mo. Sa sahig man o sa kama, importante na pwedeng i-adjust ang height ng tripod para laging best angle ang kuha!
**Para siguradong hindi ka bigla bigla nawawala o kaya’y nagiging choppy, dapat abot kahit 10MBps ang iyong internet!** Kung gusto mo ng kalayaan mag-record saan man, doon ka sa router na malawak ang sakop! Tipong kahit doon ka pa sa kapitbahay mag Live Selling, siguradong malakas pa rin ang connection.
Para sa isang paraan ng pagbenta kung saan posible talagang kumita nang marami, nakapadali magsimula maging Live Seller! Dumeretso lamang sa pinakamalapit na appliance center sa ‘yo at mag-apply for a [Multi-Purpose Loan with Home Credit](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Cash-Loans)!