May Laban Ba Talaga Ang Phone Mo Sa Ulan At Tubig?
Tuwing umuulan, naka tago ka? Alamain natin dito kung waterproof o
water resistant ba ang phone mo, at ano ba ang pinagkaiba nila?
Tita Techie
Jan 04 2-min read
Sa mga panahong ito, kailangang kasangga mo ang cellphone na
hindi lang pang-gaming o pang-selfie. Dapat ay ‘yung palaban din
sa biglang buhos ng ulan. Kung medyo malakas pa nga, aabutin ka
pa ng baha. Kaysa kabahan ka pa, heto ang #NoToFakeNews facts
tungkol sa water-resistant at waterproof phones.
Anong Gagawin ‘Pag Nalublob Ang Phone?
Kapag naman nalublob ang iyong phone sa tubig na may chemical
tulad ng swimming pool, sa dagat o sa toilet bowl na may halong
Zonrox o Domex, mas kailangan mong mag-ingat. Gawain ang
sumusunod na steps na ‘to.
- **Step 1:** Patayin ang phone. - **Step 2:** Tanggalin lahat
ng accessories nito. - **Step 3:** Punasan ang phone para matuyo
ang labas nito. - **Step 4:** Maingat na itaktak ang mga
headphone jack at charger port. - **Step 5:** Ilagay ang
cellphone ng nakatayo sa isang supot o lagayan na may bigas. -
**Step 6:** Siguraduhing walang insekto ang bigas na ginamit. -
**Step 7:** Maghintay ng 2 o 3 araw bago i-check ang phone.
True Story
Noong 2018, nalublob ang phone kong waterproof sa Siargao.
Natakot akong ma-damage ng salt water ang nagiisa kong gamit.
Mababait ang mga tour guide ko at sila ang nagturo sa akin ng
steps na ‘to. Nahirapan akong hindi i-check ang phone ko ng 2
days pero nakinig ako. Hanggang ngayon, gumagana pa rin ang
phone ko! Kaya subok na subok ‘to!
Magkaiba ang water-resistant at waterproof. ‘Wag malito!
**Tandaan:** Ang water-resistant phones ay puwede mong isabak sa
patak o splash ng tubig, ulan at pawis. Kasama sa design ng
maraming phones ngayon ang feature na ito. I-check lang ang
specs ng phone na gusto mong bilhin para malaman mo.
Ang waterproof phones naman ay may puwede mong ilaban sa mga
aksidente tulad ng paglaglag ng phone sa:
- Tubig ulan - Lababo na may binabanlawang plato - Batya o balde
na may nakakababad na damit - Tubig mula sa ilog o sapa
(freshwater)
Lahat ng ito ay hindi mataas ang chemical content ng tubig pero
kailangan mo pa ring sundin ang steps sa taas para sigurado.
Ang IP rating ang magsasabi sa’yo ng totoong estado ng phone mo.
Upang masigurado ang lagay ng phone mo, i-check mo rin ang IP
rating nito. Nag-design ang mga eksperto mula sa International
Electrotechnical Commission para malaman ang kung effective ba
talaga ang waterproofing ng phone mula sa:
- tubig (water) - alikabok (dust) - dumi (dirt) - buhangin
(sand)
Malimit ding isang feature na kasama ng water-resistance ay
‘yung dust-resistant. Malaking tulong ito para sa mga
nagtatrabaho sa mga kalsada o lugar na maraming alikabok. Ang
dust ay isa rin sa nakaka-damage o nakakasira ng phone mo ng
hindi mo namamalayan.
Ang pinaka madalas mong makikita ay ang ratings na: IP67 and
IP68.
Ano ang ibig sabihin nito? 10 ang highest rating sa IP. Ang
unang number ay para sa resistance sa dumi/alikabok at ang
panglawang number naman ay para sa tubig. Syempre, ‘pag mas
mataas ang IP rating, mas premium ang phone at kasabay na rin
nito ang pagtaas ng presyo.
May hangganan o limit ang laban ng waterproof phones.
Walang bisa ang waterproof phones sa damage na dulot ng:
softdrinks, juice, gatas, sarsa, sabaw at iba pang uri ng
pagkain. Bakit? Iba syempre ang component ng mga liquid na ‘to
sa tubig. Kaya mag-ingat ng mabuti sa mga ganitong aksidente.
Isa ‘tong seryosong babala.
Anong phone ang magiging kasangga mo sa biglaang pag-ulan?
Maraming water-resistant models na new release at mga older
models din. Dahil investment na talaga ang matibay ng phone,
sulitin mo ang pagbili mo.
Kung naghahanap ka ng mga ganitong phones pero mas gusto ng
[installment na naka 0%
interest](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans)
pa, i-check mo na ang mga options na ‘to.