Whole image
left image
Malamang andito ka dahil naghahanap ka ng additional budget o panawid para sa budget mo o may dapat kang bayaran at ‘di sapat ang kita o income mo. Ano nga ba dapat ang mga na-check mo bago ka mag-proceed sa [cash loan](https://homecredit.ph/apply/cash-loans) application?
Whole image
left image
‘Wag kang mag-overbudget. ‘Wag mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyong ‘di mo mase-settle ang payment ng cash loan na kino-consider mo. Ilista ang bawat gastos at mag-stick lang sa essentials –renta, bayad sa bahay, bills. Tanggalin ang mga ‘di kailangan tulad ng luho o bagong gamit na puwede namang ipagpaliban muna.
Whole image
left image
‘Wag mag-apply ng cash loan kung ‘di complete ang mga dokumento. Pumili ng loan provider na ‘di masyadong marami ang hinihingi. Ang paga-apply ng ID ay isa pang gastos pero tandaan na isa itong basic na requirement.
Whole image
left image
‘Wag makipag-transaksyon sa ‘di reliable na lender. ‘Pag too good to be true, malamang, budol ‘yan. ‘Wag papa-uto sa mga false claims dahil malimit, ‘yung mga nakakalulang deals o offers, may catch o may butas ‘yan.
Whole image
left image
‘Wag pumasok sa transkasyon kung ‘di mo naiitindihan ang bawat detalye ng pinipirmahan mo. Suriing mabuti ang interest rate at ang magiging kapalit o kabayaran ‘pag ‘di ka nakabayad on time.
Whole image
left image
Tandaan, ang interest rate ay lumalaki lamang ‘pag naka-skip o naka-miss ka ng payment. Hindi lang ito basta penalty o parusa. Ito ay isang commitment na dapat mong pangatawanan. May obligasyon din ang lending company na hiniraman mo kaya magiging domino effect ‘yan kung ‘di mo naaral ang mga charges na kasama ng ‘di pagbabayad sa tamang oras.
Whole image
left image
Makipag-ugnayan sa mismong representatives ng cash loan provider para mai-compare ang service nila. Maganda na may tamang information at masagot din nila ang bawat tanong mo para mas buo ang loob mo sa first cash loan mo.
Whole image
left image
‘Wag sumubok sa first cash loan kung wala kang solid plan sa pagbabayad nito. Iwasan ang sakit ng ulo at hassle ng paghahabulan. Kung titingnan mo ang utang bilang isang responsibildad, mas gagaan ang galaw mo.
Whole image
left image
‘Wag umutang na basta-basta lang. Tignan ang dating at labas ng pera para mas maayos ang scheduling ng payment mo. I-check ang buwan na mas maluwag ang budget. Kung hirap pa rin, mag-adjust para tama ang tiempo mo.
Whole image
left image
‘Wag sabay-sabayin ang gastos. Maging disiplinado kahit mahirap talaga ito. Kung mayroon ka pang mga ibang babayarin na mabigat, huminay ka muna. Tipirin ang mga gastos tulad ng gala, bagong damit, pagkain at pati na rin ang pamasahe. Maliit na bagay ito, pero nakakatulong ng malaki ‘pag pinagsama-sama.
Whole image
left image
‘Wag makipag-transact sa urong-sulong na loan provider. Maghanap ng instant cash loan approval lalo na ‘pag na-check mo na lahat items sa list na ‘to. Tandaan, ‘pag tama ang mindset mo, kaya mo ‘yan! Aasenso ka rin basta tiyaga at disiplina lang talaga.
Mag-apply na ng first [cash loan](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Cash-Loans) mo ngayon!