Ano nga ba ang mga dapat mong alamin para makabili ng siksik sa
features na TV sa sulit na halaga? Pinagsama-sama namin ang mga
tanong ng bayan at syempre, nagbigay na rin kami ng sagot at
options para mas madalian ka sa pagpili. Tara!
LED o LCD? Bakit magkaiba ang presyo nila?
Mas mura man ang LCD TV sa LED TV, lumang release na ang mga
ito. Ang LED ay mas advanced at mas matipid din sa konsumo ng
kuryente kaya importanteng malaman mo ang mga basic information
na ‘to. Kung nasa maliit kang space, maliban sa nipis ng LED TV,
hindi mo na kailangang intindihin ang init ng mas lumang models
ng TV.
HD, 4K, 5K, 8K? Alin ang naiba?
Nung mga nakalipas na taon, ang HD ay nakakabilib na. Pero dahil
nga mas advanced na technology natin, nagkaroon ng 4K at hindi
nagtagal, may 5K at 8K na rin. Ano nga bang tama para sa’yo?
Pansinin ang pixel na nakalagay sa parenthesis sa taas. Ang
isang tip ay i-check kung anong size ba ng TV ang pasok sa
space, budget at sa gusto mo. Ang 1280 x 720 pixel ay uubra na
kapag maliit lang ang screen na dream mo. Habang palaki ng
palaki ang TV of your dreams, mas mainam na kumuha ng 4K o mas
mataas pa.
Isa pang tip para mas makapili kung HD, 4K, 5K o 8K ay sa space
din ng paglalagyan mo ng TV. Kung bedspace, apartment o condo na
maliit ang space, okay na ‘yung mas maliit.
O ‘di ba? Sulit kung sulit talaga?
Pero syempre, nasa panlasa mo pa rin ‘yan. Iba rin kasi ‘yung
feeling ng may 32-inches o mas malaki kang screen. Mas masarap
‘yung feeling ng mas malaki at mas mataas na pixels na TV ‘pag
naglalaro ka ng games o kaya naman ay nanonood ng paborito mong
Korean drama o pelikulang inaabangan mong maging available
online o sa paborito mong channel.
Smart TV nga ba? I-check ang label para sure ka!
Sa dami ng #falsemarketing at #scammers na nagkalat, hindi
maiiwasan na makakita ka ng ads o makatanggap ng text message na
nagsasabi na may Smart TV kang mabibili sa sobrang babang
halaga. Bago ka mag-yes o maging open-minded dito, gamitin ang
checklist para maiwasang maloko. Maraming flat TV na madaling
pagkamalan na Smart TV.
**Tandaan!** Iwasang manood at makinig sa mga hindi trusted
sources ng appliances na investment mo tulad ng TV. Mas maganda
na kilala mo ang supplier at may legit na store o app para hindi
sayang ang pinaghirapan mo sa ‘pag bili ng mga
appliances/gadgets tulad nito.
TRUE OR FALSE: Puwede bang ma-hack ang Smart TV?
Sabi nga, with great power comes great responsibility. At sa
usapang Smart TV, ang great power na ‘to ay convenience ng
pag-access ng lahat ng kailangan mo –games, apps, Facebook,
YouTube at marami pang iba.
Dahil may connection sa internet at sa mga apps ang Smart TV,
may chance na ma-hack ang TV mo kapag hindi mo alam kung paano
ito ingatan. Para rin itong chances ng pag-hack sa cellphone mo
o sa Facebook account mo.
Maiiwasan ang problema dala ng mga hackers sa tulong ng mga tips
na’to.
Ang mga tips o steps na ‘to ay parang pagiingat din sa tablet,
laptop, desktop o cellphone mo. Sa lahat ng device na kailangan
mong mag-sign in o malagay ng personal information, doble ingat
ka dapat. Sa panahon na mas marami ng online payments at
pagnanakaw ng pangalan at pictures mo, maging mas handa at mas
maalam.
Maraming may-ari ng TV ang nakakalimutan o sinasadyang lampasan
ang upgrades ng software. ‘Yung iba tamad. ‘Yung iba naman
pakiramdam nila ay sayang ito sa oras. ‘Yung iba naman, iniisip
na wala namang masyadong halaga ang software upgrade.
**Smart TV = Smart Owner.** Alagaan mo ang appliance mo, at
siguradong magiging masaya ang experience mo kasama nila at
syempre, ang mga mahal mo sa buhay.
#FalseNews! Hindi swak sa budget mo ang Smart TV.
Dahil din sa advanced technology at dami ng brands na available
para sa iba-ibang budget at specs para sa Smart TV, hindi mo na
kailangang mag #SanaAll na naman.
Shop Now, Pay 0% Installment ang lahat ng [smart TV sa Home
Credit](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/TV-Appliances-Loans)
Marketplace soon. Abangan!