Whole image
left image
Dati, tuition, uniform, baon at school supplies ang hinahanapan mo ng solusyon. Ngayon, pati gadget, kasama na sa budget mo. Depende pa yan sa edad at grade ng anak mo. ‘Yung mga mas mabata, puwedeng tablet o cellphone, pero ‘yung mga mas advanced na, kailangan talaga ng [laptop](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school).
Whole image
TANONG: Pabor ka ba sa online learning para sa kinabukasan ng anak mo?
left image
Kahit hating-hati at hilo pa ang mga magulang ‘pag dating sa **LABAN o BAWI** ng online learning, syempre, hindi susuko ang mga nanay at tatay para sa pangarap na mabigyan ng maganda kinabukasan ang mga anak nila, ‘di ba? Sabi nga, laban lang ng laban. Matatawid din ‘yan! Tinanong namin ang mga magulang tungkol sa opinion nila sa online learning. Sumama ka na rin sa pag-sagot sa simpleng ”poll” na ‘to tungkol sa #NewNormal na maaaring maging parte na ng pagbuo ng magandang future ng anak mo. **Tandaan: Hindi ka nag-iisa sa seryosong laban na ‘to.**
Whole image
TANONG: Nakaka-cope ba ang anak mo sa online learning?
left image
Maraming magulang at guro ang nagulat dahil nakaka-adjust ang mga bata sa online learning. Syempre, sa umpisa, marami talagang challenges pero dahil nga sanay o exposed ang mga bata ngayon sa pagamit ng gadgets, mas madali nilang nakukuha ang galawan sa bagong mode sa education na ‘to.
Whole image
left image
Ang isa sa pinakamalaking challenge ng mga bata pati na rin ng kanilang magulang ay ang access sa mabilis at walang putol na connection. Sa isang third world country tulad ng Pilipinas, malayo pa ang tatakbuhin ng ating internet connection. Dagdag gastos din ang mas mataas na bandwidth para matiyak na hindi mahuhuli at mas makaka-focus ang bata kung maganda ang connection n’yo sa bahay.
Whole image
TANONG: Confident ka bang mag-turo sa anak mo na parte ng online learning approach?
left image
Good news, dear parents! Kahit kabado o hindi naman masasabing ubod na runong, pakiramdam ng mga magulang na kaya nilang maging partner ng mga guro para masiguradong sulit ang kakaibang school year na ‘to. ‘Yung iba, saktong confident at ‘yung iba naman ay very confident ‘pag dating dito.
Whole image
TANONG: Nakaka-stress ba ang online learning para sa’yo bilang magulang?
left image
Hindi ka nag-iisa sa pagkakaroon ng fears o anxiety na dala ng bagong chapter ng education system. Pinapakita ng data na ‘to na naga-adjust ang maraming magulang dahil hindi birong mag-hanapbuhay at maging guide ng anak mo. Kung dati, iche-check mo ang assignments ng bata, ngayon, kailangan mo talagang mag-bigay ng oras para isa-isahin ang requirements at masiguradong complete ito.
Whole image
left image
Kung isa ka naman sa mga magulang na naghahanap pa rin ng mga tips para mas maging handa para sa pag-aaral sa bahay ng anak mo, sana’y makatulong sa’yo ang mga ito: ‘Pag dating sa usapang gadget, isa ito sa hot issues para sa mga magulang. Hindi biro ang budget lalo na sa panahong ito pero sige pa rin ng sige #ParaSaKinabukasanNgAnakKo ang sigaw ng mga magigiting na magulang.
Whole image
TANONG: Ano ang pros and cons ng online learning?
left image
Maraming nabanggit na benefits ang mga magulang sa posibleng future ng edukasyon ng kanilang mga anak. Makikita sa mga actual na sharings na ‘to na safety mula sa virus at pagkakaroon ng focus based sa sariling pace o kakayanan ng bata ang strengths ng ganitong approach. Syempre, lahat ng bago ay may kasamang uncertainty at adjustment. Narito ang mga pahayag ng mga magulang tungkol sa kanilang ‘reservations’ sa approach na ito.
Whole image
left image
Whole image
TANONG: Anong gadget ang gamit ng anak mo para sa online learning?
left image
**Tamang Gadgets Para Sa Laban Ng Anak Ko Sa #NewNormal** Sa gitna ng lahat ng biglaang pagbabago tulad sa mundo ng edukasyon, importanteng skill ang pagiging maalam sa pag-gamit ng gadgets. Sa mga trabaho ngayon, hindi lamang sapat na marunong kang mag-type. Mas lamang ang mga bata o estudyante na may bitbit na mas mataas na antas ng pag-gamit sa gadgets tulad ng laptop o cellphone para mas mabilis at mas maganda ang resulta ng trabaho o gawain.
Sa demands ng #NewNormal, samahan at gabayan ang iyong anak sa pag-tanaw ng positive changes na bitbit ng online learning. Ipaliwanag din sa kanya ang mga limits ng technology na ito upang mas ma-gets n’ya kung paano magiging ”opportunity to grow” ang panahong ito. Kung naghahanap ka ng mga murang gadgets para sa #NewNormal learning ng anak mo, [naka-0% installment ang laptops](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Computers-Laptops-Loans) na ‘to para sa’yo. May instant pre-approval ka sa app na ‘to!