Whole image
left image
Sa panahon na basic need na ang mga mobile phone at iba pang gadgets upang masiguradong connected ka sa mundo, paano nga ba magiging kasangga ang gadgets sa pag-iwas sa anxiety?
MAKIPAG-CHAT LANG SA MGA “GOOD VIBES” NA TAO.
I-block ang mga negative people at stories sa iyong social media pati na sa phone mo. I-unfollow o i-mute ang mga “toxic” people sa feed mo.
MAG-SET NG SAKTONG ORAS PARA SA WORK FROM HOME.
Ngayong naka-work from home, may chances na mag-overtime ka lalo o mawalaan ng focus dahil biglaang nagbago ang sistema. Maglaan ng tamang oras para magkaroon pa rin ng work-life balance.
MANOOD AT MAKINIG SA GOOD NEWS AT UMIWAS SA FAKE NEWS.
Knowledge is power pero sa panahon na maraming mapanamantala sa mga manood at mababasa, ugaliing mag-tune in sa credible sources ng information. ‘Wag mabahala agad sa bawat mababasa. Mas mainam na i-check muna kung legit ba ang pinagmulan ng balita.
MAG-EXERCISE GAMIT ANG SMART TV.
I-save ang mga videos sa YouTube na akma sa oras mo at sa kakayanan mong mag-exercise. Alam mo bang ang breathing exercise ay malaki ang naitutulong sa pag-iwas sa anxiety?
I-TRACK ANG SLEEP PATTERNS GAMIT ANG SMARTWATCH.
Good sleep is one good way to maintain a healthy mind and body. Mas klaro ang isip. Mas aliwalas sa pakiramdam. At sabi nga nila, kapag nakakatulog ka ng mahimbing, malamang ay wala ka masyadong iniisip na malalim o seryosong bagay.
MAKIPAGKAMUSTAHAN SA MAHAL MO VIA VIDEO CALL.
Sa panahon ng social distancing, maraming paraan para makipag-bonding sa mahal mo sa buhay. Ugaliing magkaroon ng connection sa kanila. Nakakagaan ng kalooban ang munting kamustahan.
Ilan lamang ito sa mga paraan upang maibsan ang anxiety. Tandaan: Ang gadgets mo ay laging maaaring makatulong sa’yo kung wasto ang paggamit ng mga ito. So take care of your phone! If need mo talaga ng bago, you can always upgrade with [Home Credit mobile phone and gadget loans](https://www.homecredit.ph/apply/product-loans/mobile-phones-loans)!