Paano Mag-pose Para Mas Slim Ka
Bagong gupit, ang ganda ng make up, nakapag pa mani-pedi pa! Share
kaya natin ito sa socials natin? Kaso, ano nga ba gawin ang perfect
pose para sa camera?
Tita Techie
Jan 05 2-min read
#1 I-todo ang pag-angle
Lahat tayo gustong ipakita ang ating “good side”…sa camera.
Hanapin ang angle kung saan ka magiging confidently beautiful
with a heart! Side angles ang pak na pak dahil may pa-shadow
effect na ganapan. Ang camera dapat uma-angle rin! Minsan mas
flattering ‘pag mataas ng slight ang kuha ni friend.
#2 Instant Tangkad at Iwas Braso de Mercedez
Sa mga naghahangad ng slimmer arms or legs, hindi pa huli ang
lahat! Simpleng rule: iwasang sa tabi lang nakalagay ang braso
mo. Galaw-galaw dapat! Pwedeng mag sakit-ulo pose, sakit-tiyan
pose, or sakit-ngipin pose para magka korte ka.Maganda ring
i-stretch, i-point, or i-bend ng slight ang paa mo para mukhang
matangkad ka. Magic, ‘di ba? Siyempre kailangan pati legs bigyan
ng drama.
**Bonus tip: Nakakatangkad din kapag galing sa ibaba o low angle
ang kuha.**
#3 Hingang malalim…teka lang, hold it.
Para sa isang makapag pigil-hiningang photo…pigilang huminga
kapag nag papa-picture. Mga three seconds lang naman. Ito ang
sikreto sa tila mas payat na tiyan. Gumagawa rin ito ng ilusyong
mas defined ang balikat mo.
**Tandaan: Tiis-ganda is temporary, but pictures are forever!**
#4 Ipakita ang iyong best features…ikinaganda mo ‘yan!
Paa, tuhod, balikat, o ulo mo man ang sa palagay mong best asset
mo, ilaban mo ‘yan! Pagdating sa posing, kailangang naka
stand-out ‘yung gusto mong mag stand-out. Ilabas mo nang onti
ang baba mo para mukhang payat ang leeg mo. Makakamit mo dito
‘yung “nakakatagang panga” look. Subukan rin ang bend like
Pilita Corales pose para mas mahulma ang iyong figure.
With these tips, #NoFilter needed at garantisadong authentic ang
pictures mo! Parang [Home
Credit](https://revamp-pilot.homecredit.ph/homepage) lang,
no-scam shopping ang pangako nila. If gusto mo ng bagong phone
para bidang-bida ang iyong mga kuha, i-Home Credit mo na ‘yan!