Whole image
left image
Heto ang 6 na kwento ng mga negosyong naging patok nung nagsimula ang lockdown. Iba-ibang kwento na sure na magbibigay sa’yo ng push para gamitin ang talento, oras at pagamit sa [cellphone](https://homecredit.ph/apply/product-loans/mobile-phones-loans) at mga gamit na maaaring nasa bahay mo na para simulant ang pangarap mo.
Whole image
From P425/day to P20K sa first sales gamit ang cellphone
left image
Nagkataon na ang last day sa trabaho ni Eishan ay noong mismong lockdown. Kabado at nagalaw man ang ipon, naging susi ang misis ni Eishan para simulan ang pagbebenta ng foam, unan, sofa bed, monoblock atbp. online.
Whole image
left image
8 years na naging salesman si Eishan kaya ang skills n’ya sa pagbebenta at customer service ay talaga namang nag-level up. Aminado s’yang hindi naging madali dahil hirap maghanap ng stock pero may mga customer na “willing to wait” at nagkaroon sila ng maraming pre-order. Nung available na ang mga orders ng unang mga customers si Eishan, umabot ang kanilang kita sa P20,000 sa unang linggo nilang mag-asawa. Para sa isang salesman na kumikita ng arawan ng P425, isa itong nakakatuwang surpresa. Hindi din naman laging malaki ang kita kasi hindi rin naman palaging may bibili ng unan, foam at monoblock chairs, kaya mainam na lawakan ang paggamit ng social media. Mabilis sumagot si Eishan at madaling kausap lalo na sa delivery. Dahil kapartner s’ya ng trusted brand ng foam sa Pinas, hindi na rin mahirap mag-promote ng produkto n’ya.
Whole image
From hotel to sushi bake na #MasarapTalaga!
left image
Isa ang hotel industry sa tinamaan dahil sa pandemic. ‘Yung iba, March pa lang, wala ng source of income. Masaklap man, si Donna ng Kani Allie ay tuloy-tuloy lang ang laban. Ang Kani Allie ay named after daughter niya at dream nila na maging part ng bawat handaang Pinoy.
Nag-focus ang Kani Allie sa pag-improve ng recipe dahil nga sobrang daming sushi bake. Dahil na rin sa “thumbs up” ng mga kaibigan, pati mga artista ay nagpo-post tungkol sa good vibes na dulot ng sushi bake nilang siksik at hindi tinipid.
Nag-share ang Team Kani Allie ng mga tips para gamiting ang social media sa inyong online business: - mag-post ng mga totoong reviews - magtanong sa customer kung ano ang puwedeng i-improve ng product mo - maghanap ng paraan para maging kakaiba ang recipe lalo kung napakarami n’yong nagbebenta ng parehas na produkto - magreply ng mabilis sa customer
Whole image
Sa YouTube, maraming paraan para makasimula ka!
left image
Paano nga ba napapagkasya ng isang busy stay at home mom na may 4 na anak ang pagne-negosyo? Ang ama ni Sharen, owner ng Father and Daughter Handiworx ay nag-aral ng calligraphy sa YouTube. Noong una, walang pumapansin sa gawa n’ya pero tuloy-tuloy lang. Nakita n’yang pwedeng i-combine ang business ng tatay n’ya na nagsimula sa mga keyholders na gawa sa kahoy. Ang galing ‘di ba?
Teamwork guide ni Sharen para sa housewife na gustong magsimula ng online business: - gamitin ang cellphone para mas madaling maka-reply sa customer - maglaan ng time ‘pag busy o nagpapahinga ang mga bata - asawa ni Sharen ang taga-bili ng materials at taga-deliver ng orders - tatay ni Sharen ang taga-gawa ng mga orders Lalo na nung lockdown, mahirap gumalaw at maghanap ng funds, pero dahil nga nasa mismong bahay nila ang kanilang trabaho, dere-derecho lang ang pagpasok ng income.
Whole image
Nagsara ng negosyo at nagka-big come back sa social media!
left image
Inamin ng All About Cravings by Team Crvants na marami na silang negosyong nasubukan. Minsan okay, minsan hindi. Ang isang challenge nila ay noong nag-lockdown, kailangan nila i-let go ang kanila business. Ang stressful man ng mga kaganapan, nag-isip sila ng paraan para bumangon. Ang kanilang galing sa carinderia at ginawa nilang simula ng kanilang catering business. Nag-set up sila ng fan page at sa unang araw ng comeback nila, nakabenta sila ng 200 pieces ng kanilang famous puto. Ang advice nila sa mga gustong magsimula at tuloy-tuloy lang kahit wala masyadong pumapansin sa post mo. Ganun talaga ang pagsisimula. Hindi madali pero isipin mo na lang na kung kaya mo nga mag-ubos ng buong gabi sa panonood ng K drama o kung ano pang palabas o mobile games, puwede mo itong gawing oras para sa pagtupad ng pangarap mo.
Ayusin ang Instagram para mas bumenta
Si Rem ay co-owner ng Plantatays ng Kulets. Mahilig talagang mag-halaman si Rem bago pa man ito nauso. Dahil naka-work from home at may mga collections s’ya ng halaman, naisip n’yang gawin itong business. Advocate din si Rem ng pagshe-share ng good vibes na dala ng mga halaman. Na-share n’ya nga na malakas maka-out of town vibes ang pagkakaroon ng halaman sa bahay.
Whole image
left image
Eto ang mga golden rules to live by ni Rem: - Bawal ang seen zone para laging very good ang customer service. - Ang delivery ay early morning at 6 PM onward. ‘Wag gawing abala sa work mo ang online business mo. - Ipakita mo ang totoong itsura ng binebenta mo. ‘Wag todo filter.
Whole image
Maghanap ng “unique” na maio-offer
left image
Maliban sa napakagandang view ng Antipolo, mission ng Kaulayaw Coffee ang maghanap ng local coffee beans na makikipagsabayan sa mga mas mahal na kape. Sabi ni AJ, owner ng Kaulayaw, ang pagi-invest sa saktong gadgets ay importante pero mas mag-focus sa paghahanap ng paraan para ma-maximize ang iyong social media efforts. Samahan mo ito ng tiwala kahit na may mga panahong hirap o challenged ka.
Whole image
Safety is top priority pa rin!
left image
Isang housewife si Kreng at dahil OFW ang asawa, naghanap s’ya ng paraan para maggamit ang free time n’ya para sa “business time”. Matagal na rin s’yang nagbe-bake at perfect timing ang pag-stay nila ng matagal sa bahay para masimulan ang munti n’yang online business. Isang mahalagang reminder ni Kreng ay gawaing priority ang pag-iingat lalo na sa panahong ito. Ginagawa n’ya ang scheduling ng mga orders at deliveries ng kanyang cookies at iba pang baked goodies para mas balanced ang time at syempre, ang health n’ya na rin.
Na-inspire ka ba sa mga totoong kwento mula sa mga pandemic-proof na mga online business ideas na ‘to? Kung game ka na simulan ang online biz mo, mag-invest sa tamang gamit gaya ng mobile phones from [shoppingmall.ph](https://www.shoppingmall.ph/?utm_source=referral&utm_medium=organic&utm_campaign=mpl-pos-pos-organic_shoppingmallph_landing%20page-06192023). Maging positive at magtiwala sa skills mo!