Hindi na maipagkakait na ang MOBA gaming or Multiplayer Online
Battle Arena gaming ay isa nang legit na sports.
Tita Techie
Jan 19 2-min read
Noong nakaraang ASEAN games, isa ito sa mga events na kasali sa
listahan ng competitions. Masasabi na din nating isang
professional sports ito tulad ng Basketball, Volleyball, at iba
pang team games.
Bakit? Simple lang naman: sa Basketball 5v5 ang labanan na dapat
pagsikapan ng bawat members ang team plays and dapat may
teamwork, sa MOBA 5v5 din ang labanan at pinagsisikapan din ang
team plays and teamwork.
Ang professional players ng MOBA ay maihahalintulad na din sa
professionals ng ibang larangan.
Isa ka ba sa mga professionals? Alamin sa checklist namin.
Team First, Always Mentality
Sa team games, ang parangal ay hindi lang para sa’yo, para ito
sa lahat ng kasama mo sa team. Ganoon din kapag natalo kayo,
hindi lang ikaw ang dapat sisihin kung hindi lahat ng nasa team.
Alam ito ng lahat ng professional players, hindi lang sa MOBA,
pati na rin sa lahat ng team sports.
Kaya professional ka kapag inuna mo sa isip mo ang team kaysa sa
sarili mo dahil hindi ka mananalo sa isang TEAM GAME kung
nagiisa ka lang sa team – hindi na team ang tawag doon kundi
individual sports.
Kapag sarili mo lang ang iniisip mo – dapat maka 99 kills,
walang deaths, “bahala na ang ibang kasama ko” – siguradong
hindi kayo mananalo dahil hindi kayo in-synch ng mga kateam mo
mentally. This causes a lot of problems sa gameplay.
Effective Communicator
Sa larong volleyball, mapapansin mong maingay ang mga players sa
loob ng court dahil mahirap na magagawan ng bola dahil hindi mo
sinabing “mine”. Masakit maagawan ng dapat sa’yo – no hugot
intended.
Ganoon din ang professionals ng MOBA. Kung mapapansin niyo sa
live steams ng e-sports championships, may mga headphones with
microphone ang mga manlalaro para magusap kung ano ang dapat
gawin, di dapat gawin, kung ano ang ginagawa, kung aatake or
aatras.
A large percentage ng good gameplay or “set” ay nangyayari
dahils sa mabisang pakikipagusap.
Setting Emotions Aside
Marami nang NBA games na di natin makalimutan dahil ang taas ng
emosyon ng isang player sa isang team. Dahil dito, may mga
memorable NBA Fights Compilation na ang mga players na ito sa
Youtube. Ang masaklap ay talo ang teams ng mga emotional players
na ito – double kill: talo ka dahil pikon ka, talo team mo dahil
pikon ka.
Kapag nanalo naman, 99.99% of the time, papagalitan yan ng coach
at most likely di makakapasok sa susunod na game until coach
decides.
Professional MOBA player ka if di ka pikon or emotional sa
paglalaro at palagi kang nagiisip ng ano dapat gawin at
nakikipagusap ng maayos sa team mates mo.
Isang disadvantage din ng paglalaro na may dalang heavy emotion
ay pagtaas ng stress hormones na nagsasanhi ng physical fatigue
kahit di naman gumagalaw ang buong katawan mo. Masama ito sa
kalusugan.
Beginner Friendly and Mentorship
Sa larong volleyball, may mga juniors na pinapapasok sa team
roster. Most of the time, nakakaapekto ang skill level ng mga
juniors sa gameplay during practices.
Pero dahil professional tayo, the seniors don’t attack the
juniors for their developing skills instead, sinusuportahan nila
ang mga ito at nagcocoach.
Sa MOBA, hindi maiiwasang may mga gustong magpractice ng isang
hero na nakakailang gamit pa lang niya. Professional ka if
pinagpapasensyahan mo ito at nakikipagcommunicate ka sa “noob”
para mas matuto pa.
In a way, tinutulungan mo din ang ibang makakalaro niya in the
future para di na din sila magpasensya pa the next time around.
Higit sa lahat, hindi ka nagiging “Know it all”, “feeling pro”,
or toxic sa mga nakakalaro mo.
Fully Equipped and Ready
Di reason na “tinawag pa ako ng girlfriend ko” or “nagluluto pa
kasi ako” habang may game kayo ng team mo.
A professional player sets schedule for practices and for
tournaments and commits to it.
Luckily, dahil Home Credit tayo, you can invest in better gaming
phones.
Featured Stories
Tita Techie
0% Interest On Samsung Phones Up To 24 Months To Pay
Want a high end phone? Chose from the latest Samsung
S-series phones, and avail of super good installment deals
with Home Credit Philippines
Tita Techie
Vivo Budget Phone Showdown: Y21T, Y15a O Y33s
Nag hahanap ka ba ng bagong Vivo Phone? May napili ka na
bang model? Heto ang mga Vivo phones na budget friendly on
easy installment with Home Credit!
Tita Techie
Anong Phone Brand ang Perfect for you?
‘Pag dating sa #phonebrands, ang #brandwars at #brandlove
ay laging hot topic. Kung naghahanap ka bagong phone pero
nalilito sa dami ng trusted at mga winner na new brands,
eto ang guide para sa’yo.