Whole image
left image
Pero ang mga gamit mo, ‘di pa rin napapalitan simula noong unang araw mo! Mukhang ‘di na nitong kayang sabayan ang freelancer life mo.
Naku, oras na ‘ata para lumevel-up ka. Pero paano mo sisiguraduhin na ‘di ka magsisisi sa investment na gagawin mo? Kami ang bahala! Ito ang ilang suggestions ng Home Credit na siguradong swak sa’yo, anuman ang freelance job mo!
Whole image
Para sa Gaming Livestreamer: Accessories na Pang-MVP
left image
Oh no! Bumigay na ang keyboard ng iyong gaming console sa kaka-beast mode mo sa laro. Mythic nga ang ranking mo, nag-break naman ang gamit mo. Huwag ka nang magdalawang-isip pa; oras na para ito ay palitan mo.
Whole image
#Para sa Content Writer: Laptop na Panalo
left image
Lag nang lag. Naghihingalo na. Mabilis pa sa alas kwatro kung mamatay. Paano ang deadlines ng articles mo? Hayaan mo nang mamahinga ang laptop mo. Huwag manghinayang dahil ito ay investment at makakabili ka na ng bagong laptop na abot-kaya.
Whole image
Para sa Make-Up Artist: Ganda sa Presyong ‘Di Mo Inakala
left image
Paano makukumpleto ang look kung ang iyong kagamitan ay di rin kumpleto? Curly o straight man ang hanap ng customers mo, bagong Hair Dryer at Hair Straightener ang sagot sa problema na ito. Sa presyong P2,000 pataas, maibibigay mo na ang “gandang di mo inakala” na hanap nila!
Whole image
Para sa Online Tutor: Siguradong Loud and Clear ang Lessons
left image
Kanina mo pa inuulit ang lesson mo pero hindi ka maintindihan ng estudyante mo. C para sa “cannot hear you” ba ang itinuturo mo, teacher? Sa halagang P500, makakabili ka na ng headset na may built-in microphone. Hindi na masakit sa bulsa, ‘di ba?
Whole image
Para sa Event Planner: Phone na Kasing-Smart Mo
left image
Nagmamadali kang kumuha ng pictures pero blurred ang kinalabasan. Kahit halos limang oras ka na nag-charge, ang dali mong ma-lowbatt sa dami nang tumatawag sa’yo. Sa kalagitnaan ng event, biglang namatay ang cellphone mo. Bilang isang Event Planner, ito ay malaking NO para sa’yo at sa mga kliyente mo. Panahon na siguro para sa bagong smartphone na may perfect specs para sa trabaho mo – at sa halagang P5,000 pataas, solb ka na.
Mas giginhawa ang buhay freelancer mo kung kumpleto ka sa mga kagamitan na tutulong para matapos ang iyong mga gawain. Okay lang magtipid, basta alam mo kung kailan dapat palitan ang sira na. At kapag sa tingin mo oras na, [#iHomeCreditMoNa!](https://revamp-pilot.homecredit.ph/homepage) Siguradong scamless shopping na legit at sulit! I-share mo sa amin ang latest Home Credit purchase mo,‘ha?