Whole image
left image
Napansin mo bang nagiging makakalimutin ka nang mga nagdaang araw?
Para bang wala ka sa maayos na mood?
Kung nararanasan mo ang mga ito, marahil ay lagi kang kulang sa tulog. Natatandaan mo pa ba kung kalian ka huling nagkaroon nang sapat at mahimbing na tulog? Minsan mapapaisip ka na lang sana itinulog mo na lahat noong bata ka pa tuwing tanghaling tapat o di kaya’y itinulog mo na lang sana iyong mga ipinuyat mo sa maling tao. Haaaay!
Ang pagkakaroon ng sapat at maayos na tulog ng tao ay kasing halaga ng pagkakaroon ng regular na ehersisyo at balanced diet para mag-function nang maayos sa araw-araw. Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang epekto ng tulog sa pag-function ng utak ng isang tao at sa mood nito.
**Kung napag-iisip ka na, ‘wag ka mag-alala, pwede mo pang bawiin ang iyong mga kulang sa tulog sa pamamagitan ng mga sumusunod:**
Bawasan ang mga iregular o mahahabang tulog sa umaga
Malaking tulong ang nagagawa ng mga idlip o mga maiikling tulog sa tanghali, subalit ang pagkakaroon ng iregular o mahabang tulog tuwing tanghali hanggang hapon ay maaaring makaapekto sa tulog sa gabi. Iwasan o bawasan ito upang hindi mahirapang makatulog sa oras ng tulog sa gabi.
Gawing kaaya-aya ng paligid ng iyong tinutulugan
Ang temperatura, ingay, ilaw, mga gamit – ay ilan lamang sa mga lubhang nakakaapekto ng pagtulog. Subukang iayos ang iyong tulugan nang naaayon sa iyong gusto para mas magkaroon ng mahimbing na tulog. Maaaring maglagay ng aircon o electric fan para sa mas magandang room temperature; magandang ilaw o lampshade para mas relaxing ang paligid o iba pang kagamitan.
Maglagay ng komportableng kama, mattress, unan,
Iba ang pakiramdam ng tulog kapag nasa isang hotel, sa kadahilanang may maayos itong kama at bedsheet, at malambot na mga unan. Gawing mas komportable ang iyong pagtulog dahil maaaring makabawas ng sakit ng katawan ang pagkakaroon ng komportableng posisyon ng pagtulog.
Maglagay ng mga furniture o mga gamit na makakatulong sa iyong pagtulog sa iyong kwarto o tulugan
Mas mahimbing ang tulog kapag alam mong maayos ang iyong paligid. Makakatulong ang paglalagay ng mga furniture o mga nauusong oil diffuser para mas komportable ang iyong pagtulog.
Iwasan ang pag-inom ng caffeine bago ang oras ng tulog o sa gabi
Ang pag-inom ng caffeine ay kadalasang pampagising at nakakatulong na paganahin ang nervous system sa katawan ng isang tao.
Hindi inirerekomenda ang pag-inom ng caffeine bago ang oras ng iyong tulog, maaari itong inumin sa umaga o sa tamang oras.
Ilan lamang ang mga ito sa mga maaaring makatulong upang magkaroon ka nang mas maayos at mahimbing na tulog. Tandaan na dapat ay laging inuuna ang ating kalusugan bukod sa kung anu pa man. Kaya naman simulan na ang hakbang sa maayos na tulog.
Para sa mas ikakahimbing ng iyong tulog, maglagay ng mga gamit na naaayon sa iyong tulugan. Tignan na ang mga gamit na maaaring mabili sa My Home Credit App. [I-download ito sa Google Play Store for free](https://play.google.com/store/apps/details?id=ph.homecredit.myhomecredit&hl=en&gl=US).