Whole image
left image
Kung naghahanap ka ng tips para maging sulit ang DIY dream #homeentertainment set up mo, usap tayo! Ang step by step guide at mga tips na ‘to ay para sa’yo.
Alamin o i-check ang budget mo.
Sa dami ng options sa mall at sa online ngayon, malayo na ang mararating ng budget mo malaki man ito o “budget meal”. Ang mga smart TV, speakers at iba pang appliances ngayon ay mas mura na dahil din sa sobrang daming bagong brands na may magaganda ang review. Kung brand-conscious ka naman at mas gusto mo ‘yung mga subok na ng tibay ng panahon, maghanda ng mas malaking budget estimate.
Ano ba ang mga kasama sa home entertainment package
- Smart TV - Sound system - Wi-Fi connection o mobile data - Compact videoke - Gaming console - Sofa o sofa bed
Whole image
I-compare ang old models na best sellers sa new release.
left image
Alam mo bang ‘di naman kailangan lahat ng gamit mo sa home entertainment package mo ay maging mahal. Tulad ng speakers, halimbawa. Ito ang isa sa pinaka importanteng parte ng pagpili mo.
Kesa masilaw sa “new release”, mag-research ka muna lalo na kung mas maliit ang budget mo. Kung may mas malaki namang budget, maganda pa ring i-check ang reviews ng mga items na napupusuan mo.
Maliban sa makakamura, ang #gooddeal sa usapang home entertainment ay ang confidence mo na talagang maging proud ka sa investment mong ‘di naman din birong ipundar. Ang panonood ng TV ay isang magandang bonding lalo na ngayong panahon na madalas tayong nasa bahay. Tipid na, safe pa!
Magbitbit ng sarili mong music at video sa pagbili.
Isang magandang tip ay i-kompara mo ang current set up mo sa bahay ng nakasarado ang kurtina at pinto. Bakit? Dahil mas maririnig mo ang quality ng sound ng pinapanood mo. Paano ba pumili ng music and video files para mas ma-compare mo?
- Favorite mong videoke song - 1080p pataas na video - Photos galing sa cellphone mo na walang filter - HD sound ng paborito mong kanta (non-videoke version)
Whole image
Nagtataka kung bakit ‘di gaanong buo ang sound?
left image
Minsan, ‘pag nasa mall, mas maganda ang sound ng speakers. Minsan akala mo, na-marketing ka lang, pero ang totoo, may ilan pang paraan para mas maging HD rin ng speakers mo.
Kung ang room o space mo ay may sahig na gawa sa kahoy o tile na may uneven surface, mag-invest sa carpet na may tamang kapal para mas maging buo at mas clear ang sound quality mula sa speakers at amplifiers mo. Napaka simpleng tip nito pero ‘di masyadong napapagusapan. Try mo to see and hear the big difference!
Whole image
left image
Whole image
Bakit hindi sobrang ganda ng sound quality kahit na maganda naman ang nabili kong set up?
left image
Isa pang common mistake ng mga baguhan sa pagse-set up ng home entertainment ay ang pagpapatong kung saan-saan ng mga speakers at iba pang essentials. Minsan, mas inuuna pa ang look kesa sa ganda ng sounds.
Magbigay ng space para masigurado na pantay ang speaker mo. ‘Di bale ng ‘di super ganda ng itsura. Doon tayo sa ‘functionality’ at sa standard procedure sa set up.
I-set up ng maayos ang ‘viewing angle’ ng TV.
Sa pag-check ng TV, sipatin lahat ng viewing angles bago mag-decide at bumili. Ang viewing angle ay isang factor na nagbibigay sa lahat ng nanonood lalo na ‘pag marami kayo sa kwarto ng mas magandang viewing experience.
Whole image
Gaano ba talaga kalaking TV at speakers ang kailangan ko?
left image
Kung wantusawa ang budget mo, the bigger the better. Pero kung maliit ang budget mo at maliit din lang ang space mo, magtanong ka ng specs na bagay sa’yo.
Kung limited space ka, hindi naman kailangang sobrang laki at napakalakas ng speakers mo. Tandaan, ang size ng kwarto ang isang pinaka practical na basis ng sulit na home entertainment set up. Maraming pumupunta sa mall ng ‘di alam ‘to at ayun, sa halip na makatipid, napagastos na.
Higit sa lahat, ang mas magandang design na isang factor pa ng home entertainment ay naka-depende rin sa tamang measurements. Mas madaling mag-dagdag ng gamit kesa piloting pagkasyahin ang lahat sa isang maliit na space.
I-check kung may promo at kung may easy payment options.
Maliban sa promos, ang pinagharapan mong jackpot na home entertainment set up ay dapat ‘di maka-stress sa’yo. Ang shop now, pay on installment ay ginawang mas magaan ng Home Credit Marketplace. Lahat ng items na offered ay naka-0% installment para sa’yo.
Ready ng buuin ang dream #homeentertainment DIY set up mo?