Whole image
left image
Kung kailangan mo na ng bagong washing machine, gawin mong guide ang mga tips na ‘to para mahanap ang #perfectwashingmachine mo. Simulan natin sa very quick checklist na ‘to.
Whole image
left image
At a glance, ito ang mga kailangan mong i-research sa appliance level up na ‘to: - Konsumo ng tubig -may washing machines na may “water saving” options, usually, ‘yung mas bagong models - Konsumo ng kuryente -check ang energy ratings; ‘wag mahiyang magtanong; the higher the rating, the better - Konsumo ng sabon -tandaan na may washing machines na may “ka-partner” na sabon para mas mabilis at mas malinis at safe ang damit mo - Malinis ang laba -ang mas bagong models ay may features pa ng pag-disinfect ng damit; may DIY options din naman para sa mas lumang models - Maganda ang reviews -magtiwala lang sa mga unbiased reviews at makipag-usap din sa mga nagbebenta ng products mismo - Naka 0% installment na puwede mong i-shop now, pay later
Whole image
No space is too small sa tamang pag-measure.
left image
Bago ka mag-sukat, maghanap ka muna ng space na may malakas na daloy ng tubig at kung puwede ay ‘yung ‘di masyadong kulob o mainit. Tandaan na mahaba-habang oras ang paglalaba lalo na ‘pag marami kayo sa bahay o sadyang schedule mong maglaba every 2-3 weeks.
**Mga space sa bahay na puwede mong gawing laundry area:** - Bathroom na may bintana para may hangin - Labas ng bahay na may secured space - Second or third floor na may malakas na daloy ng tubig - Balcony dahil mas presko at madaling mag-sampay - Garahe mas maluwag at ‘di na kailangang umakyat - Likod o gilid ng bahay -space na ‘di gaanong ginagamit malimit
Whole image
Ang budget para sa washing machine ay flexible.
left image
Ang isang biggest advantage ng small space ay chances na mas mura ang washing machine mo. Ang single tub ay ang pinaka super space saver and pinaka budget option na rin. Kung medyo mas malaki-laki ng kaunti ang space, ang twin tub ang recommended sa’yo. Kung naghahanap ka naman ng level up na washing machine, ang fully automatic ang puwede mong i-explore.
Whole image
Budget also means long-term consumption.
left image
Bago ka pa man mag-decide kung anong washing machine ang kukunin mo, mas magandang i-check mo rin ang konsumo ng sabon, kuryente at tubig. Ang mga mas lumang model ay mas mura pero kadalasan, mas maraming tubig ang kailangan.
Nauso na rin ang energy efficiency ratings sa mas bagong model tulad ng ibang fully automatic washing machine options. Kaya ‘di tulad noon, mas magandang lawakan mo ang research mo.
Whole image
Ilan ang tao sa bahay n’yo?
left image
Para mas maging smart shopper ka, isang washing machine hack ang pag-bilang ng mga tao sa bahay mo. Gamitin ang chart na ‘to para masulit ang washing machine na bibilhin mo.
Kita rin sa chart na ‘to ang dami ng damit para mas guided ka sa research mo. Ang pag-check ng capacity ay isang factor para mas tumagal at masulit ang washing machine na bibilhin mo. Isang cause ng pagkasira ng washing machine, mahal man ito o mas mura ay ang ‘di saktong capacity. Silent killer kung baga. Kaya seryosohin mo rin ang pagbilang ng damit n’yo sa bahay. It will save you from repairs na dagdag gastos na, abala sa oras pa.
Whole image
Sulitin pa lalo ang washing machine mo.
left image
Alam mo bang ang totoong test ng washing machine na sulit ay kung ‘di ba ‘to nakakasira ng damit at mabisa rin sa paglilinis ng damit mo? Ilang beses na bang kailangan mong kusutin o ibabad o ulitin ang paglalaba dahil ‘di naging reliable ang washing machine na gamit mo? Nakaka-stress ‘di ba? Lalo na ‘pag importanteng lakad o sadyang favorite shirt o pantalon mo ang pinaguusapan.
Whole image
left image
Mag-check o mag-research ng mga washing machine na may verified o trusted reviews. ‘Wag lang ‘yung uso, ‘yung bago o ‘yung sobrang mura. Minsan pa may mga ‘di naman importanteng freebies na kasama masabi lang na “good buy” sila.
Ang pag-verify kung ang isang washing machine ay gentle sa damit at walang patawad sa pagtatanggal ng dumi’t mansta kasama ang tamang space, saktong budget at consumption ay ang best formula sa pag-YES to the washing machine na magtatawid ng laba-huhu to laba-hihi moment mo.
Ready na bang [mag-shop ng naka 0% installment](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/TV-Appliances-Loans) with instant pre-approval sa app na ‘to? Check mo na anong best option para sa’yo!