Whole image
left image
Simulan ang araw with good vibes and breathing exercise. Bago mag-check ng phone, subukang mag-breathing exercise. Effective ito lalo na ‘pag stress ka sa deadlines or sa dami ng dapta mong gawain sa bahay. I-keep ang tamang posture while inhaling and exhaling. Count 1 to 30. Samahan mo na rin ng pa-thank you para sa isa na namang bagong umaga.
Whole image
left image
Bago bumangon, i-stretch ang tuhod na baka nabaluktok pati ang shoulders. Subukang abutin ang iyong paa gamit ang kamay. ‘Wag pilitin kung hindi kaya, magiging flexible ka rin one stretch like this at a time.
Whole image
left image
Nangwit ba ang paa? I-point ang toe mo gently sa sahig at dahan-dahang paikutin ang paa. Nakakarelax na, nakakatutulong pa sa blood circulation. 10 reps per foot, solb ka na.
Whole image
left image
Indian sit stretch: Kung ganito ang usual na position mo pagnagla-[laptop](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school), istretch ang likod at itaas ang dalawang kamay every hour.
Whole image
left image
Kung may ganito kang stool, madaling mag step up and down habang nakaupo ka lang. Para mas effective, mag-focus din sa iyong core muscles habang ginagawa ang exercise na ito. 20 reps lang, good na.
Whole image
left image
Kung nakaupo ka sa balcony, mag-leg raise ka. Itaas ang legs at ibaba ng 10 times. ‘Wag kalimutang mag-inhale at exhale para mas dama mo ang exercise na ‘to.
Whole image
left image
Merienda Time Stretch: Iwasan ang mas maraming calories sa exercise na ‘to. Maglatag lang ng mat, umupo na naka-stretch ang dalawang legs. Itaas ang dalwang kamay at i-keep na straight ang iyong likod. Iwas ang stress sa pamamagitan ng pagpikit kasabay ng inhale at exhale. I-keep ang stretch na ito ng 15 seconds.
Ilan lamang ito sa mga sobrang daling exercises na kayang-kayang gawin sa napakahaba mong pag-upo. Fitness and good vibes hack: puwedeng i-track ang calories burned gamit ang affordable at stylish smartwatch. Puwede ring samahan ng tugtog ang bawat exercise na nabanggit.