Whole image
Kung wala, ‘wag piliting meron
left image
Hindi masama ang pag-utang basta may pambayad ka. Ang tanong na dapat mong harapin ay ang sweldo mo ba ay makakasagot sa responsibilidad mo? Kung hindi talaga kaya, mag-isip muna at maging honest sa sarili mo kung hanggang saan ang totoong kapasidad mo.
Self-control is key
Masarap mag-shopping ‘pag sweldo pero isipin mo kung ang mga binibili mo sa mall o sa online shops ay talagang makakatulong sa’yo. Halimbawa: kung bibili ka ng paninda o isang gadget na pang-raket, malamang ay mas makakatawid ang investment mong ito kumpara sa isa na naming shopping ng mga damit at sapatos na nakita mo sa Facebook ng idol o crush mo.
Whole image
Keep the 50-30-20 mindset
left image
50% para sa essentials (groceries, housing, education, bayad utang etc.). 30% pang “treat yourself” (clothes, travels, eating out). 20% savings or UNTOUCHABLE! Simple at madaling tandaan.
Auto-deduct para sa babayarin
Kung may “auto-deduct” feature ang bank apps na gamit mo, i-log ang mga monthly expenses tulad ng postpaid plan, phone bills, rent, etc. para siguradong on top ka lagi of your budgeting plans. Automatic bawas = iwas waldas!
Isulat ang gastos isa-isa
Bawat unli kbbq, ukay ukay haul, o pamasahe, record mo LAHAT. Makakatulong ‘to sa pag-alam kung saan wagas pati na rin kung saan kulang, at pag set ng priorities pagdating sa mga gastusin.
Trial and error ang paggawa at pagsunod sa budgeting plan kaya ‘wag madismaya kung hindi mo ‘to gamay agad. Ika nga, practice makes perfect.