Whole image
left image
Maraming dahilan ng sobrang pag-lag ng cellphone. Kahit mataas na ang RAM ng cellphone mo, may chance pa rin na bumagal ito. ‘Yung iba naman, kahit 2G RAM lang, natatawid pa rin. Magic? Big NO! Kaya next time na hang o lag ka na naman, heto ang mga puwedeng gawin.
Whole image
Bakit kailangan mag-update?
left image
Minsan, parang ang kulit na rin ng reminder na i-update ang software ng phone natin, ‘di ba? Ang pagu-update ng software ay para ma-improve ang performance at maayos ang bugs o errors. Kung baga, mas nililinis o optimized ‘yung cellphone mo.
Puwede bang hindi mag-update?
Sabi ng ibang users, ‘pag happy ka naman sa galaw ng phone mo lalo na sa bilis nito. Isa itong useful tip para sa mga may mas mababang RAM ng phone. Kapag sakto naman, chill ka muna sa pag-update.
Apps upgrade: yes or no?
Isama mo na rin ang pag-update ng apps. Ang Mobile Legend at Facebook Messenger ay ilan sa mga apps na malimit gamitin at may mga updates. Maliban sa pagaayos ng bugs, may mga bagong features ka ring mae-enjoy sa new version nito.
Whole image
Ilang apps ba ang laging open sa phone mo?
left image
Ang open apps ay parang pagbukas ng lahat ng gripo sa bahay n’yo. Sa halip na makapuno ka ng mabilis ng isang timba, kailangan mong mag-hintay ng mas matagal. Sa totoo lang, mas nakakainip din parang paghihintay mo sa pag-load ng game o ng video/photo ng Facebook o YouTube mo. Ugaliing mag-close ng apps na hindi mo naman ginagamit.
Whole image
May three-month rule ang apps!
left image
Speaking of apps, i-check mo rin kung anong apps ba ang nakatambak lang sa loob ng phone mo. Minsan, nag-download ka kasi may promo o kaya naman uso. Kung ‘di mo naman kailangan, bitawan mo na. Mas magaan sa phone at mas malinis pang tignan.
Whole image
Delete 100 photos/videos per day.
left image
Sinubukan naming mag-delete ng 100 photos and videos per day. Sa una, parang ang hirap nito, pero, promise. Natawa kami kasi marami kaming nabura na sobrang daming selfie na isang pose lang, ulam na kinunan para sa Instagram, mga videos at photos ng crush mong ‘di mo na crush o crush mong ‘di ka crush.
Whole image
Ano ba ang cache?
left image
Eto ang mga tira-tirang files na naso-store sa phone mo ‘pag may dina-download ka. ‘Di naman ito kailangan dahil nakakain lang nito ang space ng phone mo. **Paano ba mag-clear ng cache?** - STEP 1: I-open ang Settings. - STEP 2: Pumunta sa Storage. Para naman sa Android Oreo o mas luma, sa App Manager ka pumunta. - STEP 3: I-tap ang Other Apps. - STEP 4: Pindutin ang Clear Cache button. - STEP 5: Mas magandang, mag-restart ang phone.
Whole image
Gawaing best friend ang storage tool.
left image
I-search mo lang ang storage tool para makita mo ang paggamit mo ng phone mo at malaman kung ano ba ang dahilan ng pagbagal o pag-lag nito. Alam mo bang music files ay isa sa top taga-ubos ng space mo maliban sa video at photo? Isama mo na rin ang games na may high at ultra-high settings.
Whole image
Ang internal storage ay hindi dapat sinasagad.
left image
‘Yung totoo, parang imbakan talaga ang phone natin ng memories. Kaya malimit nasasagad natin ito. Alam n’yo bang top reason ng kabagalan ng phone kahit flagship pa ‘yan ay dahil puno ang internal storage?
Whole image
Ilagay ang mabibigat na files sa SD card.
left image
Kailangan lang ng konting effort ang pag-save sa SD card ng mga files tulad ng games at kung mahilig kang mag-edit ng videos gamit ang phone mo, malaking tulong ito.
Whole image
Mag-save ng work-related docs sa secured storage cloud.
left image
Kung gamit sa work ang phone, malaking tulong ang pag-maximize ng cloud storage. Malaking space ang mase-save mo kung ‘yung mga Powerpoint mo at mga matindeng Excel sheet ay wala sa phone mo.
Whole image
No To Live Wallpaper
left image
Halimaw ang hataw sa battery ang Live Wallpaper. Bubog na CPU, GPU at RAM. Kung gusto mo talagang mag-live wallpaper, siguro para sa espesyal na okasyon na lang tulad ng birthday mo.
Iwas widgets rin, please!
Bawasan mo na rin widgets mo –orasan, weather, reminders, o kung ano man.
Whole image
App Boosters? Battery Saver?
left image
Mag-ingat sa mga apps na may pangakong boosters ng battery, speed at kung ano-ano pa. Malimit ay wala naman talagang mabuting dulot ang mga ito. Minsan pa nga, may kasama pang virus ang mga apps lalo pa ‘yung mga hindi galing sa trusted developers.
Whole image
Healthy ang pag-restore factory settings ng 4 times per year.
left image
Kung ikaw ang tipo ng cellphone user na hindi palit ng palit ng phone, mas magandang mag-mindset ng prevention is better than cure. Isang tip na puwede mong simulan ay pag-schedule ng 4 times ng ‘restore factory settings’ ng phone mo.
Whole image
If all else fails, go back to restart!
left image
‘Pag pati restart o force restart ay medyo ‘di na ubra kahit naggawa mo na lahat-lahat ng na-suggest namin, marahil, time to check out new phones ka na dapat.
Kung naghahanap ka ng mura, legit at higit sa lahat, naka 0% installment pa, dito ka na sa Home Credit Marketplace mag-check ng mga iwas-hang at anti-lag phones! [Shop now, pay later](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans) with instant pre-approval pa ‘yan. Game ka na?