Whole image
MAG-ALARM SA PHONE NG MGA BILLS NA DAPAT BAYARAN AGAD.
left image
Makakatulong ito upang mas maging handa ka sa kung ano ba ang dapat mong paglaanan ng budget mo. Hanapin din ang minimum payment para mas magaan ang lagay mo.
SUMUBOK NG RAKET NA LEGIT GAMIT ANG PHONE/LAPTOP/TABLET MO.
Maglaan ng isang oras para sa paghahanap ng simple, mabilis at legal na raket gamit lamang ang phone o [tablet](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school) mo. Ang mga halimbawa ay pagsasagot ng survey, pagse-search gamit ang Google, at iba pa.
MAG-ORGANIZE NG GROUP CHAT PARA SA MGA MIYEMBRO NG PAMILYA O KASAMA SA BAHAY.
Ang bahaniyan ay applicable din sa budget sa bahay. Ang paguusap ng direkta at malinaw ay maaaring gawain sa group chat. Makikita rin kung sino ang may kailangan ng tulong at kung sino rin ang makakatulong.
GUMAWA NG BUDGET FILE.
Alamin lahat ng papasok na pera at i-email ang file na ito sa mga miyembro ng pamilya o kasama sa bahay. I-track ang galaw ng pera. Kahit pa 1,000 pesos yan, ‘pag nakita mo ang breakdown ng iyong gastos, mas mapaplano mo ito.
I-CHECK ANG EXTENSION NG MGA LOANS AT BILLS PAYMENT.
I-check ang social media pages at mga apps tulad ng Meralco at Home Credit upang mai-schedule ng mas mainam ang bayarin.
KUNG NAGIISIP BUMILI NG GAMIT O GADGET, MAGHANAP NG FLEXIBLE PAYMENT OPTIONS.
May mga panahong kailangan mo talaga ng gamit at gadgets para maitawid ang trabaho mo lalo na kung kailangan ng work from home. Ang pagkakaroon ng hindi pumapalyang cellphone din ay importante para siguraduhing may connection ka sa pamilya, kaibigan at trabaho mo.
Ilan lang ito sa mga wais tips para maitawid ang budget mo. Laging pa rin pong extra ingat tayo.