Lalo na sa panahon na sobrang in demand ang #WorkFromHome set
up, it is but a must to have a space sa home mo na
nakaka-inspire sa pag-meet ng deadline at syempre, ‘yung
#NoFilter #GoodVibes din, yes?
To start, here’s a quick guide para sa workstation mo sa bahay.
Keep in mind na kailangan mong mag-invest sa mga ito. Top of the
list ang gadgets mo followed by what will keep your focus and
inspiration going. Ang isa sa pinaka importanteng element ay
good light as it affects your mood a lot.
While you’re checking your must haves para sa fashionable at
functional workspace, heto ang ilan sa mga real workstations at
home na Black + Pink themed. May mga tips na rin ito para mas
guided ka sa WFH set up project mo.
No Goal? No Peg? No Problem!
Meet Ria, digital freelancer na 6 years ng naka-work from home.
Nung una, okay lang ang set up na nasa bed at
naka-[laptop](https://www.homecredit.ph/promos/back-to-school)
dahil hindi naman s’ya picky. Pero, nung kailangan na ng
workload n’ya ng dual monitor set up, napaisip lang s’yang
kumuha ng mas malaking table. Simple goal, ‘di ba? Na-share din
n’ya na hindi n’ya sinadya na maging pink ang theme ng
workstation n’ya since hindi naman n’ya favorite ang pink. Pero,
dahil sa pink pots na kasama ng isa sa favorite items n’ya sa
space na ‘to, ‘yung incoming items sa favorite corner n’ya ay
naging pink na rin.
WFH SET UP TIP! Begin with items you have that make you really,
really inspired or happy. Hindi kailangang bago o mahal. Basta
happy ka, good na ‘yun! For Ria, it’s her plants and her pet
fishes na sina Chad and Jose –named after her clients.
‘Wag Mag-Impulse Buy, Please!
Masarap naman talagang mag-add to cart like there’s no tomorrow,
pero ‘yung reality n’ya is sad. One, baka hindi s’ya in line sa
space mo at binili mol ang kasi sale o impulse buy lang s’ya.
Two, tendency is mag-add up ‘yung “tiny buys” mo tapos
naka-wantawsan and above ka na pala ng hindi ka man lang
na-inform. Sounds familiar, right? When in doubt, don’t rush!
Isa-isa lang muna at mag-focus sa kung anong devices ang dapat
i-prioritize. Sa case ni Ria, dual monitor ang naging jump off
point n’ya para mag-start ng workstation n’ya. Kaya masarap
tignan ‘yung workspace n’ya is hindi sobrang daming design.
Talagang nag-take s’ya ng time to build it.
Build Your Personal And Work Vision Board
Para naman sa mga students na stay at home this school year, ang
pagkakaroon ng vision board na for school and after school stuff
ay very helpful. Sabi nga ni Blaize, college student, mas steady
na ang routine n’ya. May mini bulletin board s’ya at meron din
s’yang downloaded app na nakaka-tulong sa focus n’ya. Hindi biro
ang 20+ units at challenges ng internet connection, pero
tuloy-tuloy lang. WFH SET UP TIP! Focus is key sa workstation
–student ka man or working na. Mag-invest sa extension cord para
laging fully charged ang gadgets mo. Sa mga panahon na may
biglaang power interruptions, laging maging handa.
Make A Work From Home Space For All
Mommy Shelly needs a space na fit sa pag-meet ng deadlines at sa
pagiging mom na looking after her daughter na busy din sa online
learning. Her solution? Side by side workstation! Nag-match pa
s’ya ng color ng chairs para pasok sa design goals. Kung cat mom
or cat dad ka rin tulad ni Mommy Shelly, mapapansin mo rin na
pet-friendly ang sala turned WFH space n’ya.
WFH SET UP TIP! Light, light, light mo ay ‘di dapat nakakasilaw.
Dapat ay sakto lang ito para hindi nakaka-strain sa mata. Kung
kaya, ang silent clock ay isa ring maganda at hindi mahal na
investment para walang unnecessary noise na baka maka-distract
sa attention mo at ng anak o alaga mo
Prioritize your gadgets na swak ang specs
Ngayong may ideas ka na sa Black + Pink theme work from home
space mo, time to go back to basics –ang gadgets na kailangan
mo. Si Mae at Ton ay couple na nag-decide mag-work from home.
Na-share ni Mae na as a girl, s’ya ang nag-request sa hubby
n’yang mag-start mag-set up ng workstation na level up. Si Mae
ang in charge sa cute finds at si Ton naman ang bahala sa
pag-set up ng kanila desktop at iba pang gadgets. Tandaan na
kahit gaano pa ka-cute ng workstation mo sa bahay, ang top
priority dapat ay makapag-deliver ng deadlines na may kasamang
high quality work.

Ang 19 inches na monitor ay ideal sabi ni Ton kung naghahanap ka
ng desktop ideas. ‘Wag ding kakalimutan ang comfortable sa kamay
na keyboards at mouse dahil hindi biro ang maging online ng
extended period of time lalo na sa work from home set up.
Siguruhing reliable ang mga WFH gadgets na bibilhin mo. I-check
ang warranty lalo na kung galing bai to sa trusted merchant.
Kung talagang nasa budget mode ka pa, puwede kang mag-start sa
pagi-invest sa smartphones na hindi aayaw sa deadlines mo.
**Naka shop now, pay on 0% installment later lahat ng ‘to sa
Marketplace. Check and see kung anong best for you and sa
workspace mo!**