Whole image
left image
## Ano ang Home Credit gift payment? Ang Gift Payment ay isang reward sa mga nagbabayad on time. Upon application lang ito naia-apply kung available ang Gift Payment offer sa oras na in-avail ang product. Para ma-confirm kung qualified ka, i-check ang Payment Schedule sa iyong kontrata at naka-indicate dito ang mga conditions ng Gift Payment.
## Tips para ma-avail mo ang free last installment Kung qualified ang iyong account sa aming Gift Payment, ugaliing magbayad nang maaga o at least sa iyong due date para sagot na namin ang last installment mo.
Whole image
left image
### 1. Mag-set ng calendar reminders bago ang iyong due date Para hindi makalimutan ang iyong payment schedule. Maigi kung makakapagbayad ka ng 2 to 3 days bago ang iyong due date. Ang Home Credit ay may mga payment channels na 24-48 hours ang payment posting. Tandaan! Bawal ma-late ang iyong installment payment para mapanatiling qualified sa Gift Payment.
Whole image
left image
### 2. Piliing magbagbayad sa aming payment partners Para ma-ensure na on time ang posting ng iyong payments, piliing magbayad sa aming mga real-time payment partners tulad ng Palawan Express, USSC, Ecashpay, Touchpay, RD Pawnshop, 7/11, Bayad Center, MLhuillier, Cebuana Lhuillier, at SM Bills Payment. Makakatanggap ka ng SMS notification once na mag-post na ang payment sa iyong account.
Whole image
left image
### 3. Magbayad online to settle payments conveniently and on-time! Kung busy ang iyong schedule at hirap pumunta sa mga payment centers, wise move rin ang [pagbabayad online](https://www.homecredit.ph/pay-with-home-credit/pay-bills-online) para ma-settle mo ang iyong payments anytime, anywhere. Makakapagbayad ka gamit ang GCash, PayMaya, RCBC Online at BDO Online. Welcome ka ring mag-settle ng payment sa aming website gamit ang iyong Visa, Masterdard, BPI, at UnionBank accounts.
Whole image
left image
### 4. Magbayad ng exact amount (walang labis, walang kulang) Tiyaking laging exact ang amount ng bawat installment payment mo. Maaari kang ma-disqualify sa Gift Payment kahit magkulang man lang ng isang sentimo ang iyong binayad. Kaya naman, i-check lagi sa mga SMS reminders na natatanggap o sa [Home Credit app](https://www.homecredit.ph/online-lending-app) ang amount ng installment na kailangang bayaran.
Whole image
left image
### 5. I-download ang Home Credit App for easy monitoring Gamitin ang app bilang iyong advantage sa pagpapanatili ng iyong qualification sa Gift Payment. Madaling ma-monitor sa app kung may paparating ka nang installment o kung nag-post na ang iyong payment. Updated ka na sa iyong account anytime you like.
## May pa-bonus pa ang Home Credit for you! Alam mo ba na kapag laging nababayaran ang iyong installment bago o sa iyong due date, hindi lang malilibre ang iyong last installment with Gift Payment, mai-improve mo pa ang iyong credit score na makakatulong na mapataas ang approval rate sa mga future loan applications sa Home Credit o sa iba pang financial institutions.
Sabi nga nila, “the best things in life are free” kaya naman huwag mo nang palampasin ang free last installment offer na ito. Sa panahong napakahalaga ng bawat sentimo, maging wais at i-grab ang lahat ng oportunidad para makatipid at makasulit. Wais-JUAN, diba?