Aircon Tipid Tips: Hacks Para Makatipid sa Kuryente

May aircon ka ba o nagbabalak kumuha? Check out these tipid tips on how to save on electricity while keeping your home cool with your aircon this summer!

  • calendar-icon Published November 11
Image Fallback Text

Table Of Contents

    Electric Fan o Aircon Ba Dapat?

    Ilang electric fan ba ang naka-on sa bahay ‘pag matinde ang init mapa-gabi o araw? Minsan sabay-sabay ang 4 na electric fan tapos nakatodo na pero ‘di pa rin sapat ang cooling ”di ba?

    Switch to aircon na lalo kung ‘di naman kalakihan ang space o room kung saan laging andun ang mga tao sa bahay.

    9 Aircon Tipid Tips Para sa Mababang Konsumo ng Aircon!

    Puwede kang makatipid sa konsumo ng kuryente gamit ang aircon! Here are some practical tips para less gastos sa electricity:

    Tipid Tip 1 – Linisin ang Aircon Weekly

    Simulang isama sa routine o regular na trabahong bahay ang paglilinis ng air conditioner. Ask an aircon expert in stores kung saan mo binili o bibilhin ito para iwas fake news. Weekly ang pinaka OK na schedule lalo kung maalikabok sa inyong lugar.
    Cleaning tips for aircons:

    • Maghanda ng soft cloth at basin
    • Siguraduhing unplugged ang aircon
    • Tanggalin ang mga filters at linisin ang mga ito
    • Ilagay ang filters sa dry cloth para patuyuin
    • Kung may vacuum ka, gamitin ito para malinis ang blade ng AC unit mo
    • Punasan ang grills ng window type aircon o ang front panels

    Tipid Tip 2 - Pumili ng Tamang Laki ng Aircon sa Space

    Pumili ng tamang laki ng aircon. ‘Wag papabulag sa murang halaga lang dahil very important na sakto ang lakas ng makina o horsepower (HP) ng air conditioner para ‘di mag-overwork o mapwersa ito.
    Things to consider:

    • Window size – Sukatin ng maigi ang bintana kung saan ikakabit ang aircon.
    • Location ng aircon – Tingnan kung nakatapan sa direct sunlight ang pwesto ng aircon o nakapwesto ito sa shaded area.
    • Insulation – Tandaan na kung mas insulated ng kwarto, the less airconditioning it will require.
    • Number of occupants – Mas umiinit ang kwarto kung mas maraming tao.

    Tipid Tip 3: I-set sa Minimum Temperature ang Aircon

    Alam mo ba na ang pag-set ng minimum temperature ng aircon ay isang tried and tested tipid aircon consumption hack? Ang best o ideal temperature para sa aircon ay 23 o 24 degrees Celsius.

    Tipid Tip 4: Ilayo ang Aircon sa Direct Sunlight

    May mga nagtatanong din kung bakit minsan kahit nasa maximum setting o high cool na aircon, parang walang epekto. Valid ito kaya i-check mo ang position o pwesto ng aircon mo. Mas maganda kung ipapakabit mo ito sa area na walang direct sunlight lalo ‘pag tanghali.

    Tipid Tip 5: Takpan ang Lahat ng Butas!

    Baka makalabas ang aircon! Eto ang isang bentang linyahan. Nakakaloko man o nakakatawa, may truth ito. ‘Pag may mga butas kung saan puwedeng lumabas ang lamig ng aircon, mas lalakas ang konsumo nito. ‘Di enough ‘yung pagsasarado ng pinto at bintana lang. I-check kung sealed ang mga gilid ng aircon mo.
    Things to seal the sides of your aircons:

    • Foam
    • Styrofoam
    • Duct
    • Sealants

    Tipid Tip 6: I-set ang Timer Base sa Lagay ng Panahon

    I-set din ang timer ng aircon para mas maximized ang gamit pero i-ayon ito sa klase o type ng aircon mo. ‘Pag inverter, mas okay na lampas ng 8 hours ang timer. ‘Pag non-inverter naman, ang pinaka OK na timer ay less than 8 hours. Ugaliin ding i-check ang weather at temperature sa araw na to para mas planado ang paggamit mo.

    Tipid Tip 7: Mag-research ng Aircon na Tipid sa Consumption

    Alamin muna ang pinaka OK na paggamit ng aircon based sa unit o model na meron ka o ‘yung bibilhin mo. Maraming mangandang air conditioner brands ngayon; magandang magtanong sa mga sales assistants para mas informed ka sa decision mo. Makakatulong din ang pag-check sa energy star dahil ito ang standardized way ng pag-rate sa mga aircons at iba pang appliances.

    Tipid Tip 8: I-unplug ang mga ‘Heat-Generating’ Appliances

    Alam mo bang ang isa pang kalaban ng aircon ay ang heat-generating appliances tulad ng stove, oven, plantsa at iba pa? Ugaliing i-unplug ang mga appliances pag hindi na ito ginagamit para iwas init sa kwarto.

    Tipid Tip 9: Ilagay ang Aircon sa Multipurpose Space

    Ilagay ang aircon sa space kung saan mas maraming puwedeng i-enjoy ito. Puwedeng sa sala o sa kwarto for work at home at study at home na rin.

    It’s Time to Invest sa Energy-Saving Aircon!

    ‘Di na kailangang isang bagsakang bayad ng aircon with Home Credit’s
    Hottest Summer sa Pinas promo! Maaari mong i-download ang Home Credit Online Loan app para makahanap ng ibang exciting 0% interest deals on air conditioners, refrigerators and more.

    Pwede ka din mag-browse ng mga aircon sa Shoppingmall.ph na pwede mong kunin ng naka installment with Home Credit!

    • Savings
    • Budget-Tips

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with us