Baha sa Bahay? Ano ang Dapat Gawin?

Alamin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng baha sa bahay para mapanatiling ligtas ang iyong pamilya at tahanan.

  • Lifestyle Hacks Lifestyle Hacks
  • calendar-icon Published September 17
Image Fallback Text

Table Of Contents

    Ang baha ay isa sa mga pangkaraniwang hamon na kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino, lalo na tuwing tag-ulan. Mabilis itong dumating, minsan walang warning, at puwedeng magdulot ng pinsala sa bahay, gamit, at kaligtasan. Pero hindi kailangang mangamba.  

    Sa tulong ng tamang kaalaman at praktikal na hakbang, mas magiging handa tayo sa ganitong sitwasyon. Sa gabay na ito, pag-uusapan natin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng baha—para sa mas ligtas na tahanan at pamilya. 

    Paano Maiiwasan ang Pagbaha?

    Para maiwasan ang pagbaha, mahalagang maging proactive. Siguraduhing malinis ang paligid—lalo na ang mga kanal, estero, at gutter sa inyong lugar. Huwag magtapon ng basura sa kalsada o sa ilog dahil ito ang madalas na sanhi ng pagbabara.  

    Mainam din kung may rainwater catchment system o elevated na flooring ang bahay, lalo na kung nasa flood-prone area. Sa mga nagbabalak mag-renovate, i-consider ang flood-resistant design tulad ng raised flooring at water-sealed walls.  

    Ang mga simpleng hakbang na ito ay malaking tulong para mabawasan ang posibilidad ng baha sa bahay. 

    Protektahan ang iyong bahay sa anumang sakuna!

    Baha, sunog, malakas na ulan? Puwede kang maging handa with Home Credit’s Home Protect! May coverage ka para sa bahay at gamit mo—up to ₱50,000, starting at just ₱3.25/day! 

    Mga Dapat Gawin Habang May Baha

    Ang pangunahing prioridad ay ang kaligtasan ng buong pamilya. Patayin agad ang main switch upang maiwasan na makuryente, lalo na kung may tubig na sa loob ng bahay. Ilipat din sa mas mataas na lugar ang mahahalagang gamit gaya ng electronics, dokumento, at pagkain.  

    Huwag basta-basta lalabas o lulusong sa baha lalo na kung malalim ito—maaaring may bukas na manhole o live wires. Kung kinakailangang lumikas, gawin ito nang maaga at siguraduhing may dala kayong emergency kit na may lamang flashlight, tubig, pagkain, gamot, at power bank.  

    Sa ganitong paraan, kahit na may baha, maiiwasan ang disgrasya at mas panatag ang loob ng pamilya. 

    Iba pang dapat tandaan habang may baha: 

    • Maging alerto at panatilihing kalmado habang tumataas ang tubig sa paligid. 
    • Makinig sa balita at abiso mula sa barangay o lokal na pamahalaan upang malaman kung kailangang lumikas. 
    • I-monitor ang lagay ng panahon mula sa PAGASA at iba pang opisyal na sources para sa real-time updates. 
    • Isama ang mga alagang hayop sa plano ng paglikas at ilagay sila sa ligtas na lugar. 
    • Iwasang gumamit ng kandila, lalo na kung may tumatagas na gas o sirang kable; mas ligtas ang flashlight. 

    Mga Dapat Gawin Pagkatapos ng Baha

    Hindi pa tapos ang laban! Huwag agad pumasok sa bahay o lumusong sa baha hangga’t hindi siguradong ligtas ito. Magsuot ng gloves, boots, at mask bago magsimula ng paglilinis upang makaiwas sa sakit mula sa kontaminadong tubig at putik.  

    Gumamit ng disinfectant sa paglilinis ng mga gamit at lugar na nalubog sa baha. I-air out ang bahay sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana para mawala ang amoy at maiwasan ang mold.  

    I-report agad sa barangay o mga kinauukulan kung may napinsalang linya ng kuryente, tubo, o istruktura ng bahay. Tandaan, ang kalinisan at maayos na pag-aayos pagkatapos ng baha ay susi sa mas mabilis na pagbangon. 

    Kailangan ng bagong gamit sa bahay?

    Madali lang ‘yan with a Home Credit product loan! Puwede kang makabili ng appliances, gadgets, o furniture na gusto mo! One valid ID lang ang kailangan. 

    Electrical Safety Tips Kapag May Baha

    Kapag may baha sa bahay, isa sa pinaka-delikadong bagay ay ang kuryente. Kahit bahagyang tubig lang sa loob ng bahay, puwede na itong magdulot ng electrocution o sunog. Kaya mahalagang alam mo ang tamang electrical safety steps. 

    • Patayin agad ang main power switch kapag nagsimulang pumasok ang tubig sa bahay. Huwag maghintay na tumaas pa ito—i-off agad ang breaker kung kaya pang abutin nang ligtas. 
    • Huwag hawakan ang anumang electrical appliance o saksakan na basa o nasa paligid ng tubig. Delikado ito kahit naka-off pa ang appliance. 
    • Iwasan ang paggamit ng extension cords habang basa ang sahig. Hindi ito waterproof at puwedeng magdulot ng short circuit. 
    • Pagkatapos ng baha, huwag agad buksan ang power. Maghintay muna ng inspeksyon mula sa kwalipikadong electrician bago ikabit ulit ang kuryente. 

    Maging Alerto Gamit ang DOST-PAGASA Warnings

    Kapag usapang baha sa bahay, hindi puwedeng walang update mula sa DOST-PAGASA. Sila ang official source ng weather forecasts, flood alerts, at rainfall warnings sa buong Pilipinas. Kaya bago pa man tumaas ang tubig, dapat naka-monitor ka na. 

    • I-check ang official Facebook page at website ng PAGASA para sa hourly updates, lalo na kapag may bagyo o low pressure area (LPA). 
    • Panoorin ang rainfall warning system—yellow, orange, at red warning levels—para malaman kung gaano kalala ang inaasahang pag-ulan. 
    • Gamitin ang DOST Project NOAH app o website, kung available, para makita ang real-time flood mapping at monitoring sa lugar mo. 

    Kahit unpredictable ang panahon, puwede kang maging handa basta’t nakaalalay ka sa mga babala ng DOST-PAGASA. 

    Maging Panatag Kasama ang Home Credit

    Maging handa sa anumang sakuna with Home Credit! Puwede kang mag-avail ng product loan kung kinakailangan ng bagong gamit sa bahay at cash loan naman kung kailangan ng financial aid. Meron ding Home Protect na puwedeng idagdag sa loan mo for extra peace of mind.  

    Kaya kung kailangan mo ng bagong gamit, emergency funds, o added protection sa bahay i-download na ang Home Credit app para sa mabilis na application anytime, anywhere! 

    • Lifestyle Hacks
    • Home-Credit-Protect

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with Us