Maaaring naiinis, nase-stress o nawawalaan ka ng patience lalo
na ‘pag nakita mong “connect to charger” na ang nasa screen mo.
Ang article na ‘to ay para sa’yo kung: - Mabilis kang ma-low
batt at naghahanap ng lunas dito - Naghahanap ka ng bagong phone
na sulit sa budget at battery life
Bakit Nga Ba Laging Low Batt Ang Phone Mo?
Isa ka ba sa 9 out of 10 katao na hindi mapakali kapag nakikitang
malapit ng maubos ang battery ng cellphone nila?

Una sa lahat, alamin ang tunay na ”health state” ng battery mo.
Sundan ang mga steps na ‘to:

Ngayong alam mo na ang malinaw na kalagayan ng battery mo,
proceed naman tayo sa iba pang detalyeng makakatulong sa’yo.

Gaano kalaking battery nga ba ang kailangan mo?

Isa sa mga factors ng mas mataas na presyo ng cellphone ay ang
laki o capacity ng battery nito. Malimit rin na mas malalaki ang
mga phones na may malalaking battery.
Ang table na ito ay gawain mong quick guide para sa “walang
halong bolang” sagot sa kung anong battery size nga ba ang pasok
sa budget mo at sa paggamit mo sa iyong phone.
Isa pang friendly reminder: madalas mas hindi kasya sa bulsa ang
mas phones na may mas malaking battery.


Kung talagang hanggang 3500 mAh lang ang kaya ng budget,
mag-invest ka na lang sa power bank na maasahan. Kung mas
maraming budget o gusto mo lang talaga ng malaking screen, may
0% interest shopping on installment kang makukuha mula sa Home
Credit Marketplace.


**Tandaan:** Ang pagbili ng fake na chargers at cables ay
magdudulot ng damage sa inyong battery na hindi na mareremdyohan
pa. Ugaliing i-check ang label at bumili lamang sa trusted
merchants.


Lahat ng sobra at kulang ay masama. Kung may nagsabi sa’yo na
kailangan mong i-drain ang battery mo o paabutin ang charge nito
sa 100%, sorry, pero hindi ito nakakatulong. Napapansin mo bang
‘pag umabot na sa mas baba sa 40% ay mas mabilis ang pagkaubos
ng battery mo? Sa umpisa, hindi mo mapapansin pero habang
tumatagal, umiiksi ng umiiksi ang battery life mo dahil sa
“unhealthy habit” na ‘to.

Paano magka-additional battery life na walang kahirap-hirap?

Kapag alam mong hindi ka makakapag-charge o kaya naman may
importanteng tawag kang inaantay, i-select ang auto-brightness
ng cellphone mo. Napakasimpleng tip pero proven at tested na ‘to
at mas healthy pa sa mata mo.


‘Pag naman alam mong mahina ang WiFi dahil palyado ang signal,
patayin mo lang ito. Hindi ka lang maka-save ng battery,
mawawala pa ang inis mo dahil ayaw naman ding mag-load ng
Facebook o game mo.

Iwasang Gamitin Ang Phone ‘Pag Sobrang Init Ang Panahon

Silent killer ng battery ang extreme temperature. Hindi man tayo
nakakaranas ng sobrang lamig na weather, may mga araw na lampas
sa normal na init ang ating temperature. Kahit pa talaga namang
magandang pampalipas oras ang paggamit ng phone mo lalo pa’t
wala kang ibang choice kung ‘di tumayo o umupo sa ilalim ng
tirik ng araw, iwasan mo ‘to para sa ikakahaba ng buhay ng gamit
mo.

Pumili Ng Phone Na Tama Para Sa’yo

Kung ika’y naghahanap ng phone na hindi ka bibiguin sa
pangmatagalang battery life, tandaan mo na nakakaapekto rin ang
screen size at resolution dito. Mamili ng mabuti. Malimit, ang
price difference ay nagkakatalo sa mga specs na ‘to.
Ready ka ng mag-shopping ng phone para sa’yo? Mas padaliin natin
‘to with 0% [online installment
shopping](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans)
in just a few clicks para enjoy ka ng todo!