Bakit Ka Rejected? 5 Common ID Mistakes Pinoys Keep Doing

Avoid ID rejection by steering clear of common Filipino mistakes like submitting expired IDs, unclear selfies, or missing signatures—simple fixes that save you time and stress.

  • Home Credit Tips Home Credit Tips
  • calendar-icon Published July 28
Image Fallback Text

Table Of Contents

    For sure lahat tayo ay may hugot na: “Bakit ako rejected?” Pero minsan, hindi ito tungkol sa lovelife— kundi ang mga simpleng ID mistakes na paulit-ulit nating ginagawa! Kahit gaano pa ka-ready ang budget at self mo, kung hindi pasado and ID na hawak mo, rejected pa rin. Whether nag-aapply ka ng trabaho, bank account, or a installment plan like Home Credit, valid IDs are very essential.  

    So, ano nga ba ang mga common na sablay ng mga Pinoy pagdating sa government IDs? Basahin mo ang article na ‘to para iwas abala at iwas heartbreak sa next application mo!  

    1. Expired na, ginagamit pa.

    Isa sa pinaka-basic pero madalas nangyayari: pag-gamit ng expired ID. Marami pa rin ang kumakapit sa lumang driver’s license o passport nila. Ano mang ID ang mayroon ka, make sure hindi expired or malapit nang mag-expire. Good thing, Philippine passports lasts 10 years now! Pro-tip: Maglagay ng reminder sa isang calendar app para sa expiry date ng ID mo.

    2. Walang signature, kasi tinamad ka

    Saan  ba punta mo at nagmamadali ka? Alam mo ba na kung wala kang signature sa ID mo, para kang walang ID! Your signature is also your personal identity and allows for comparison against other signed documents and transactions. Ang signature, lalo na kung ito ay unique ay pwede ding pang-iwas against fraud at identity theft.  

    3. Wasak-wasak na ID

    Kung di na mabasa picture mo, pangalan mo, at birthdate mo, huwag ka na mag-expect. Karamihan sa mga legit na lenders — oo, gaya ng Home Credit — kailangan malinaw at presentable ang ID mo. Hindi ‘yan artwork na abstract, sis. Kapag lukot or gusgusin na, ipa-reprint na! 

    4. Magkakaibang pangalan kasi feeling mo artista ka

    Sino ka ba talaga? Sa SSS ID mo, “Juan Dela Cruz.” Sa passport mo, “John Dela Cruz,” pero sa TIN ID mo, biglang “Jan Dela Cruz.” Yung totoo,  feeling celebrity lang ang peg? Kaya naman pala rejected kasi nalito yung verifier kung ano ang totoo mong pangalan. Friendly reminder lang po: Isa lang dapat ang spelling, format, at middle initial sa lahat ng IDs mo okay? In case of any discrepancies, correct your personal details on your documents or update your information on your birth certificate and National ID. 

    5. Mali ang address kasi kahit ikaw hindi updated

    Nag-move out ka na, pero ang address sa ID mo, bahay pa rin ng parents mo? Okay lang maging sentimental pero update update din pag may time! Kung hindi tugma ang address mo sa iba pang documents, high chances na ikaw ay mare-reject. Bumisita na sa barangay o city hall, at ipa-update na yang location mo now na. 

    Kapag maayos ang ID mo, mas madali ang buhay. Hindi ka ma-rereject, hindi ka mababalewala. Lalo na kung bibili ka ng appliances o gadgets sa installment, gaya ng mga installment offers ni Home Credit — smooth ang transaction, mabilis ang approval, at walang hassle. Kaya check all your IDs at make sure valid ang mga ito! 

    • Home Credit Tips

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with us