Alam mo ba na ang mga maling akala tungkol sa pera ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka pa umuunlad sa iyong financial goals? Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating strong family values, pagiging masipag at masiyahin. Ngunit tayo rin ay kilala na mahilig maniwala sa mga pamahiin at sabi-sabi. At kung ikaw naniniwala pa sa mga outdated na beliefs, maaring na-mimiss out mo ang opportunity para palaguin ang iyong pera. Let’s debunk the top 7 financial myths that are keeping you from reaching your full financial potential!
Myth #1: I’m young and healthy, so I don’t need a life insurance
Maraming Pilipino ang nag-aakala na ang life insurance ay para lang sa mga may edad na. Pero, dahil unpredictable ang buhay, mas mabuti kung maaga kang kumuha ng insurance. Kung ikaw ay bata pa at healthy, mas mababa ang premium plans at mas makakatipid ka pa. Huwag mong hintayin na tumanda ka bago kumuha ng insurance—your future self will thank you! At ung naghahanap ka ng affordable insurance or protection plans, may mga offer si Home Credit for your home or appliances. Visit this link to learn more.
Myth #2: Saving money alone is enough to secure my future
Isa sa mga financial myths sa Pilipinas ay ang paniniwala na ang pag-iipon lang ang susi sa financial security. Totoo na mahalaga ang mag-ipon, pero hindi ito sapat. Para talaga masiguro ang iyong future, kailangan mong mag-invest sa mga asset na nagge-generate ng returns, tulad ng stocks, bonds, at mutual funds. Mas maganda ang paglago ng pera kapag ito ay nagtatrabaho para sa’yo, hindi lang basta nakatago sa savings account.
Myth #3: I don’t need an emergency fund
Ang akala ng iba, hindi na kailangan ng emergency fund kasi marami naman silang debit or credit cards. May iba naman na iniisip na hindi nila ito kailangan kasi mayroon naman silang matatakbuhan na kapamilya or kaibigan. Pero ang buhay ay napaka-unpredictable. Ang savings na pinaka-iingatan mo ay maaring maubos sa isang iglap kaya importante pa rin na mayroon kang back-up in case of emergencies like accidents or sudden unemployment.
Myth #4: Credit cards are dangerous and only for the rich
Isa sa mga common misconception ay ang credit cards ay para lang sa mayayaman o sa mga financially irresponsible. Kapag ginamit ng tama, maaaring maging powerful financial tool ang credit card para ma-achive ang mga life goals mo. Kung ikaw ay nagwo-worry sa pag-manage ng utang, may mga platform tulad ng Home Credit na nag-ooffer ng flexible payment options, na pwedeng mong gamitin para bumili ng mga essential items gaya ng appliances o gadgets, na may abot-kayang installment plans.
Myth #5: Credit cards are prone to fraud
Ang financial fraud ay isang valid na concern para sa maraming potential credit card users. Pero ang mga credit card ngayon ay may mga advanced security features para protektahan ka. Mga features tulad ng encryption technology, real-time fraud detection, at zero-liability policies na nagsisigurado na hindi ka magiging responsable sa mga unauthorized transactions. Halimbawa, ang Home Credit Card ay may EMV chip, PIN, at SMS alerts para siguraduhing secure ang mga transactions mo.
Myth #6: I can only build wealth through a high salary
While earning a high salary can certainly help build wealth faster, it's not the only way to achieve financial success. Maraming tao na may katamtamang kita ang nakakabuo ng malaking yaman dahil sa disiplina sa pag-iipon, pag-iinvest, at pamamahala ng pera. Hindi ito tungkol sa kung gaano kalaki ang kinikita mo, kundi kung gaano karami ang naiipon at na-iinvest mo. Ang pamumuhay ayon sa iyong kakayahan, pagbabawas ng hindi kailangang gastusin, at pagbibigay-pansin sa mga investments ay makakatulong para makabuo ng wealth para sa future.
Myth #7: I need to be a financial expert to manage money
Maraming Pilipino ang umiiwas sa pag-aaral ng finance dahil akala nila ito ay sobrang komplikado. Pero sa totoo lang, ang financial literacy ay madaling matutunan dahil accessible ito para sa lahat. Maraming online courses, books, at resources na pwedeng makatulong sa'yo para maintindihan ang mga basics ng budgeting, saving, at investing. Konting effort lang para mapabuti ang iyong financial knowledge, at malayo ang mararating mo.
Fact-Check your Financial Myths
Ang mga financial myths na ito ay nagiging hadlang sa ating pagyaman. Sa halip na patuloy sa maling paniniwala, simulan mo na ang tamang approach sa financial management. Iwasan ang mga myths, mag-save, mag-invest, at gumamit ng tamang mga financial tools tulad ng Home Credit na makakatulong sa pag-manage ng utang at pagbabayad ng mga essential purchases. If you want to start your Home Credit journey, download the Refreshed Home Credit App.