Free Vlogging Ideas Na Puwedeng Gawin Sa Bahay
Masarap isiping ang Team Payaman ni Cong at ang solid pair na JaMill
ay naabot ang pangarap sa paggawa ng videos, ‘di ba? Kung lagi kang
napapa-sana all at gusto mong magsimula ng sarili mong YouTube
channel, welcome ka dito!
Tita Techie
Dec 21 2-min read
Start natin sa basics. Hindi mo kailangan ng magandang camera.
Sina Cong, Jayzam at Mareng Camille ay nagsimula lang sa camera
ng phones nila. At syempre, dahil 2020 na, medyo nag-level up na
tayo: konting ilaw, mic, tripod at editing app. Puwede na rin
yung free version nung app para mas makatipid.
Basic set up? Check na check. Next stop: free vlogging ideas na
perfect sa mga taong stuck sa bahay. Puwedeng bored ka lang, o
kaya naman ay gusto mo talagang subukang maging vlogger. Para
naman sa iba, maaaring maging susi ito ng pag-level up sa buhay.
At syempre, ‘yung mga legit na vloggers, ang aim nila ay ‘yung
mag-spread lang ng good vibes para sa lahat. Kabado ka ba?
Excited? Lost? **Remember: Law of attraction ang kailangan, kaya
simulan mo na ‘yan!**
Galawang Controversial or Cute?
- **Mga Alamat Na Creators:** Kimpoy Feliciano, Michelle Dy, Kit
TV - **How:** Ilist mo ang 10 things na hindi mo pa naggawa sa
buhay mo. - **Location:** Depende sa ire-reveal mo pero maganda
na sa kwarto mo para mas maramdaman ng viewers mo na gusto mo
silang isama sa private life mo.
Collect & Collect Then Vlog Mo Na ‘Yan!
- **Mga Alamat Na Content Creators**: Big Boy Cheng, Carlo Ople,
Kris Aquino - **How:** Hindi naman kailangan mahal ang
collection mo. May mga content creators na pinapapakita ang mga
nabili nilang ukay na damit. Ang goal nito ay makuha ang
attention nung mga netizens na kaparehas mo or similar ng
interests sa’yo. - **Location:** Kung nasaan nakatago o
nakalagay ang collection mo.
Lutu-lutuan To Video-han, Yes?
- **Mga Alamat Na Content Mula Sa TikTok:** Dalgona Coffee,
Tornado Egg - **How:** Kung mahilig kang magluto o napag-utusang
mag-luto kahit ayaw mo, make it more fun sa papamagitan ng
pag-vlog dito. Imagine, ‘yung simpleng luto mo ngayon, baka
viral video na bukas. Lakas! - **Location:** Kusina na hindi
ginawang Instagrammable.
Hataw Na! Sisikat Ka Pa!
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Ranz Kyle and Niana
Guerrero - **How:** Magpractice. Ihataw ang pinaka-effort mong
galaw. Tulad ng magkapatid na sina Ranz at Niana, isama mo na
rin ang ibang tao sa bahay at kapitbahay n’yo. Practice social
distancing, please! - **Location:** More open space tulad ng
garahe o balcony n’yo. - **Bonus:** Mag-shoot kapag golden hour
(30-45 minutes before sunset) para maganda ang ilaw. Another
FREE idea para mas maganda ang shoot mo.
I Woke Up Like This, Literally!
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Alex Gonzaga, Anne Clutz -
**How:** Ang tawag sa vlog game na ‘to ay “raw vlog”. Walang
script. Walang gaanong edit maliban sa cuts at kung ano mang
gusto mong pampa-excite tulad ng emoji o sound effects. -
**Location:** Buong bahay n’yo. - **Tandaan:** Mag-ingat sa
background music na baka nakaka-violate sa copyright. Para safe
ka, tanggalin mo lahat ng mga kanta na nakuha sa video.
Bawal Scripted?
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Gandang Kara, Cong TV +
Team Payaman, Jamill - **How:** Planuhin ang prank na hindi
naman ikakapahamak ng ipa-prank mo. Okay lang maiyak pero ‘wag
naman ‘yung maninikip na ‘yung dibdib. Okay lang mapikon pero
‘wag naman ‘yung ikakababa ng pagkatao nung victim mo. Clean fun
and good vibes, sabi nga. - **Location:** Buong bahay n’yo. -
**Tandaan:** Proceed at your own risk kung balak mong
mag-scripted prank.
Tapatan Tayo, Tara?
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Alex Gonzaga, Tulfo -
**How:** Kung comfortable ka naman sa live, maganda ang Q&A para
mas maka-interact mo ang mga netizens. - **Location:** Sala o
kwarto para may vibes ng pakikipagkwentuhan. - **Tandaan**:
Maghanda ng patience, good vibes at reminder sa sarili kung
hanggang gaano ka-personal ang kaya mong sagutin. Importante ito
lalo na ‘pag may nanood na bata o minor sa channel mo.
Spot The Difference: Level Up O Downgrade Ba ‘To?
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Bretman Rock, Viy Cortez -
**How:** Ipunin ang mga pictures mo mula sa Picture City, Tronix
at iba pang “ang lakas maka-90s or 80s” ng ganap. -
**Location:** Lamesa na sana ay matagal ng nasa bahay n’yo. -
**Level Up Idea:** Isama mo na rin ang family members mo para
mas kwela at exciting ang look back. May kadamay ka pa sa sakit
ng paglingon sa nakaraan.
Silip Sa Totoong Buhay Ko?
- **Mga Alamat Na Content Creators:** Anne Clutz, Alex Gonzaga,
Darla - **How:** Ihanda ang bag/cabinet ng walang edit. Kung may
laman, okay. Kung wala, okay din. Again, authenticity is key. -
**Location:** Lugar kung nasaan ang cabinet mo. Para sa bag
raid, kahit saan na maganda ang ilaw. - **Level Up Idea:**
Puwede kang mag-part two. Example: before and after ng cabinet
mo.
Ngayon na marami ka ng baon na creative ideas na FREE pa, baka
gusto mong i-check ang mga [vlogging
phones](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Stories/Best-Vlogging-Phones-That-Are-Super-Affordable)
na puwede mong makuha on 0% installment dito mismo sa app ng
Home Credit Marketplace! Happy vlogging!
‘Wag mo kaming kalimutan ‘pag sikat ka na ha?