Whole image
left image
Sa dami ng pwedeng gawin sa ating mga smartphones – chat, streaming, mobile games, at iba pa – hindi kagulat-gulat na ang karaniwang Pinoy ay online halos sampung oras sa isang araw, ayon sa isang 2019 Digital Report. Pero alam niyo ba na maaari na ring gamitin ang ating mga smartphone pang-raket?
Kaya para sa mga ‘di kayang mawalay sa kanilang mga smartphones, ba’t hindi na lang gawing pandagdag-sweldo ang dating screentime mo sa pamamagitan ng iilang mga paraan na ito!
#1 Extra Sipag sa Pagsasagot ng Survey para sa Extra Kita
Isa sa mga pinakasimpleng paraan para kumita gamit ang smartphone ay ang pagsagot ng mga branded surveys. Kadalasan, mula ito sa mga kumpanya na nagbabayad ng mga tao upang mahingi ang kanilang opinyon tungkol sa isang produkto na ilababas pa lamang para masiguradong magiging patok ito. Natulungan mo na silang i-level up ang kanilang balak ibenta; kumita ka pa!
#2 Ang Trabahong Siguradong Type Mo
Kung sangkatutak ang text na sinesend mo kada araw, maaari nang pagkakitaan ang bilis ng iyong pag-type! Dahil ngayon, mayroon nang mga legit at hassle-free websites kung saan maaari kang kumita base sa bilang ng mga salitang kaya mong i-type. At kung gaano karami ang kaya mong gawin sa isang araw, gayundin ang taas ng sahod mo!
#3 Maging Dakilang Taga-Load ng Bayan
Marami pa rin na prepaid ang load dahil kumpara sa postpaid, mas madaling iwasan ang paglagpas sa budget. Kung marami kang free time at kakilala na naka-prepaid, maaaring subukang maging taga-load ng bayan!
**Bonus Tip: Para kumita nang extra, pwede ka ring magpatong sa halagang kanilang pinapa-load ng P5 o P10 bilang service fee.**
#4 Ang Next na Fan-Favorite LiveStreamer
Para sa mga mahilig sa kwentuhan at may ugaling all-around good vibes, baka ito na ang pagkakataon mong sumikat bilang Livestreamer! Mayroong mga apps ngayon kung saan maaaring mag-host ng mga simpleng livestreams para gumawa ng viral internet challenges, makipagkwentuhan kasama ang iyong mga manonood, at kung anu-ano pang gimik.
At hindi lang puro pag-enjoy ang pag-livestream sapagkat maaari ka pang makatanggap ng mga fan donations mula sa iyong mga viewers. Saya ‘di ba!
Akalain mo yun? Ang dating pang-share mo lang ng memes at pang-chat, ngayon pang-raket na rin. Kaya kung nais mong kumita nang walang puhunan o kaya’y ‘di umaalis ng bahay, subukan na ang aming mga nabanggit na paraan para kumita gamit ang iyong smartphone!
At para siguradong mas marami kang naiipon sa iyong kita kaysa binabawas, #iHomeCreditMoNa ang mga gastusin! Now that you know [how to earn with a smartphone](https://revamp-pilot.homecredit.ph/Apply/Product-Loans/Mobile-Phones-Loans), good luck sa iyong pagnenegosyo.