10 Negosyong Patok sa Pilipinas: Business Ideas for 2025!

Nagiisip ka ba kung ano magandang negosyo o business gawin ngayon? Try mo 'tong mga small business idea!

  • Earn Money Earn Money
  • calendar-icon Published October 20
Image Fallback Text

Table Of Contents

    Kung balak mong magsimula ng sariling business, baka iniisip mo, ano nga ba magandang negosyo gawin ngayon?

    Isa-isahin natin ang mga small business ideas na posibleng mong simulan this year!

    Mga Dapat Tandaan Para Sa Patok na Negosyo

    Rewarding magkaroon ng sariling negosyo! Pero kaakibat nito ang pressure na patakbuhin ito nang maayos para kumita at mabawi ang puhunan.

    Bago magsimula, tanungin mo muna sarili mo:

    • Ano ang interesting na negosyo para sa'yo?
    • Anong resources tulad ng oras, pera, at koneksyon ang meron mo?
    • Saan mo nais ipatakbo ang negosyo—sa bahay ba o may alam kang commercial space sa siudad o probinsya?

    Pumili ng negosyo na tugma sa kakayahan at resources mo para kaya mo ito ituloy!

    Need mo ng puhunan para sa negosyo?

    Sa Home Credit, pwede ka kumuha ng loan para maka-invest sa kagamitan at simulan na ang iyong business idea!

    Download mo lang ang Home Credit App at tingnan kung may loan offer ka.

    Mga Patok na Negosyo Ideas na Magandang Simulan

    Kung naghahanap ka ng business opportunities, nandito ang mga negosyo ideas na pwede mong simulan sa 2025.

    1. Food Negosyo

    Kung mahilig ka magluto o mag-bake, subukan mong magbenta ng mga homemade goodies! Nagiging favorite pasalubong and gift option na ang mga pastries tulad ng cupcakes, cookies, at tinapay.

    Kung malapit ka sa office locations at schools, perfect ang lutong bahay as packed meals tulad ng silog, adobo, dinuguan, at iba pa, para sa mga empleyado at estudyante.  

    What you’ll need:  

    • Smartphone o laptop para sa orders, inquiries, at promo sa social media
    • Maayos na food storage tulad ng ref para sa food quality
    • Food packaging materials
    • Kitchen appliances tulad ng oven pang-bake

    Kung wala ka pa mga kitchen appliances, pwede ka tumingin sa Home Credit App para makabili ng oven o ref ng naka installment!

    2. Online Selling

    Kung komportable ka magbenta at may alam na source ng produkto, baka online selling ang patok na negosyo for you! Marami ka options na pwede ibenta, at pwede mo muna to gawin sa bahay.

    What you’ll need: 

    • Products to sell
    • Social media page
    • Quality camera + tripod
    • Stable Wi-Fi and phone to connect with your customers

    Abot-kaya na ngayon via Home Credit installments ang phones at iba pang gadgets na kailangan mo!

    3. Freelancing

    Isa sa mga popular na negosyo ay ang freelancing. Kaya kung may skills ka sa writing, design, o programming, subukan i-consider ang patok na negosyong ito. Flexible ang oras and you are your own boss! Prepare your resume, sample works, at ready ka na simulan ang freelancing negosyo kahit nasa bahay lang. 

    What you’ll need: 

    • Stable Wi-Fi (essential for online work)
    • Laptop (top priority!)
    • Camera, headphones, mic (for client calls)

    Invest in quality gadgets para mapadali work mo! Affordable to sa Home Credit installments.

    4. Online Tutoring

    Kung ikaw ay expert sa isang subject o language, why not consider online tutoring? In demand ang online tutors para sa mga estudyanteng naka-hybrid school set-up o foreigners na gusto matuto ng English.

    What you’ll need: 

    • Laptop or desktop computer
    • Good camera + microphone (for clear video calls)
    • Stable Wi-Fi (para tuloy-tuloy ang sessions)
    • Video conferencing apps (Zoom, Google Meet, etc.)

    5. Organic Farming

    Kung may space ka sa bahay, maaari kang magtanim ng organic vegetables at fruits. Malaki ang demand para sa fresh at healthy foods ngayon. No garden? No problem! Pwede ka din kumuha ng hydroponics setup.

    What you’ll need:  

    • Containers for planting
    • Plant seeds (depende sa gusto mong itanim)
    • Gardening tools: scissors, shovels, gloves
    • Optional: hydroponic setup for small spaces

    6. Laundry Shop

    Isa pang patok na negosyo idea ang laundry business. Marami nagpapa-laundry para sa convenience o wala pa silang paraan maglaba sa bahay.

    Sa laundry shop negosyo, hindi kailangan ng maraming tao at hindi ka rin masyado pagod sa day-to-day operations.

    What you’ll need:

     

    • Washing machine at dryer
    • Laundry carts
    • Iron & steamer
    • Detergent & fabric softener

    Pwede ka mag avail ng mga washing machine o dryer in installments sa Home Credit App.

    7. Café or Restaurant

    Dream mo bang magkaroon ng sariling café, milk tea shop, o eatery? Patok ito na negosyo, lalo na kung mag-o-offer ka ng local dishes — nakakatulong ka pa sa local farmers at makers. Sa panahon ng social media, dinadayo ang mga unique at themed food spots!

    What you’ll need: 

    • Scout ng magandang location
    • Puhunan para sa renta, renovation
    • Appliances at furniture
    • Food and drink ingredients
    • Cafe or Restaurant staff

    8. Pet Care Services

    Mahilig ka sa pets at alam mo ang tamang alaga? Maraming pwedeng patok na negosyo tulad ng daycare, dog walking, grooming, at boarding dahil kailangan to ng mga furparents sa lugar niyo. 

    What you’ll need: 

    • Professional staff trained to handle pets
    • Grooming tools: table, scissors, shampoo, soap
    • Leashes, cages, and bathing area
    • Enough space for safe and clean pet care

    9. Photobooth Business

    Kung hilig mo din ang photography, puwede mo itong gawing negosyo! Ang photo booth business ay patok sa mga okasyon tulad ng birthdays, weddings, at anniversaries lalo na't mahilig ang mga Pinoy sa pictures.

    Mga kailangan:

    • Magandang camera
    • Tripod, light box, reflectors, lenses
    • Backdrops at props
    • Maayos na laptop para sa photo storage at editing

    10. Printing Business

    Maraming tao at small businesses ang nangangailangan ng printing services. Kung mahilig ka sa design, puwedeng-puwede mong pasukin ang negosyo ng custom prints para sa mga menu, logo stickers, business cards, invitations, posters, giveaways, at iba pa.

    Laging in-demand ang personalized items — kaya siguraduhing high-quality ang prints mo!

    Mga kailangan:

    • Heavy-duty printer (depende sa material: papel, tela, sticker, etc.)
    • Laminator, cutting system, binding equipment
    • Research kung anong klaseng printer ang bagay sa target products mo

    Be Wais Sa Pagpili ng Negosyo!

    Sa pagpili ng negosyong patok, mahalaga na isipin hindi lang ang potential profit nito but as well as its impact to customers and to the community. Tandaan, ang susi sa isang patok na negosyo ay ang pagiging passionate sa iyong ginagawa at ang pagkakaroon ng malinaw na vision sa kung paano ito magiging beneficial para sa lahat. 

    Maliban doon, ang paghahanap at pagpili ng tamang negosyong patok ay nangangailangan ng research, planning, at syempre, dedication. Sa dami ng opportunities, importante ang pagiging creative at adaptable. Good luck sa iyong entrepreneurial journey! 

    Achieve mo ang Negosyo Goals with Home Credit!

    Hindi kailangan mag-alangan in saying yes to your dream negosyo. Be financially prepared with Home Credit! Para sa mga new business owners, pwedeng-pwede kayong mag-avail ng loans to help you start your business.

    For hassle-free transactions, pwede mo tingnan kung may loan offer ka sa Home Credit App.

    • Earn Money
    • Side-Hustle

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with Us