Pinas Summer Hacks: Paano Gawing Summer Destination ang Bahay?
Alamin ang mga tipid at praktikal na paraan upang gawing isang ultimate summer destination ang iyong bahay ngayong tag-init.
-
Published April 02

Alamin ang mga tipid at praktikal na paraan upang gawing isang ultimate summer destination ang iyong bahay ngayong tag-init.
Isa ka rin ba sa mga Pilipino na napapakamot ng ulo tuwing summer kasi hindi malaman kung sila pa ba ay nasa Earth or nasa loob ng kalan? Same here, ka-HC! At ngayong may global warming, siguradong mas iinit pa sa plantsa ang temperatura. Kaya imbes na maglakas-loob lumabas, maraming sa atin ang nag-a-adjust na lamang at ginagawang “summer paradise” ang kanilang tahanan—tipid, masaya, at hindi kailangang makipagsiksikan sa mga resort at magbilad sa ilalim ng araw!
Narito ang mga creative DIY home upgrades na ginagawa ng madiskarteng Pinoy para gawing vacation-worthy ang kanilang bahay
Dahil hindi lahat may budget pang-check-in sa hotel o pang-renta ng private resort, ang solusyon? Gumawa ng sariling mini pool! Pasok mga inflatable pools, o di kaya mga DIY pool gamit ang malaking batya o drum—basta may tubig, walang init na hindi kayang labanan! Bukod sa mas mura ito, hindi kailangan pang lumayo sa kasagsagan ng kainitan during summer.
Pro tip: Magdagdag ng ice cubes sa tubig para ma-feel mo talaga na nasa resort ka!
Tuwing summer, gamit na gamit ang ating mga air conditioners upang mapalamig ang buong pamilya. Ngunit hindi lang dapat stylish, dapat smart din ang pagpapalamig ng bahay! Dahil hindi praktikal ang naka-aircon buong araw (baka matunaw rin ang wallet mo sa bill), maraming Pinoy ang gumagamit ng energy-saving cooling appliances tulad ng inverter aircons. Mas tipid sa konsume sa kuryente, at higit sa lahat ay hindi ka magmumukhang tinusta sa sarili mong bahay.
At kung gusto mo mag-upgrade ng appliances pero kulang sa budget, may Home Credit para tumulong sayo! May 0% interest installment plans para makabili ng bagong aircon nang hindi biglaan ang gastos! Walang hassle, cool na, tipid pa!
Pro tip: I-set sa tamang temperature ang aircon. Sa mga araw na hindi sobrang init, mainam na ang 20°C-22°C upang mas makatipid sa kuryente.
Kung hindi pa afford mag-travel sa Boracay, bakit hindi dalhin ang Boracay sa bahay? Maraming Pinoy ang nag-a-adjust ng setup ng sala para magmukhang summer paradise—banig sa sahig, white curtain para sa beach effect, at syempre, electric fan sa harap para may konting ‘sea breeze’ feels.
Pro-tip: Maglagay ng speaker at i-play ang sounds ng waves para complete beach ambiance!
Anong mas masarap kainin tuwing summer? Syempre, malamig na panghimagas! Perfect diyan ang halo-halo at ice cream na sobrang benta tuwing tag-init. Bili lang ng ingredients sa palengke—shaved ice, gatas, saging, gulaman—tapos boom! May pampalamig ka na, pwede ka pang kumita kung gagawin mo itong small business!
Pro tip: Para makatipid sa kuryente, consider inverter refrigerators upang hindi matunaw ang ice cream or ang yelo para sa halo-halo. For affordable inverter refrigerators near you, visit Shoppingmall.ph and mag-browse ng mga ref na available at 0% interest installments.
Summer sa Pinas? Siguradong walang tatalo sa creativity ng Pinoy pagdating sa pagpapalamig na hindi OA sa gastos. Bakit ka pa gagastos ng mahal para mag-bakasyon? Ang kailangan mo lang ay diskarte, tamang tools, at syempre, kaunting tulong mula sa Home Credit kung gusto mong i-level up pa ang iyong summer experience! #HomeCreditSwaktoSummer
This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.