Tipid Tips: Paano Mag-Ipon ng Pera?

Nais mo ba mag-ipon ng pera? Sundan mo itong mga tipid tips para mapadali buhay mo!

  • calendar-icon Published November 05
Image Fallback Text

Table Of Contents

    Laging tandaan, a little goes a long way sa pagtitipid! Sa tamang pagbalanse ng mga gastusin at pag-iipon, siguradong makakapaglaan tayo nang sapat na pera para sa ating mga pangangailangan, kagustuhan, at higit sa lahat, para sa ating kinabukasan.

    Kung gusto mong matutunan kung paano mag-ipon ng pera, read these tipid tips na siguradong magbibigay suporta sa ipon goals mo. Sundan ang aming 6 tipid and ipon tips para makatulong patungo sa malaking savings.

    Tipid Tip 1: Mag-budget Gamit ang 50-30-20 Rule

    Isang paraan para makapag-ipon ay ang pag-budget ng sweldo o earnings mo para sa iyong pangangailangan bago mo pa ito magastos. Maraming paraan para mag-budget, pero isa sa mga pinaka-simple ay ang pag-sunod sa 50-30-20 rule!

    Ano ang 50-30-20 rule para sa pera?

    • 50% - Para sa mga pangangailangan (Needs)
    • 30% - Gamitin para sa personal na gastusin (Wants)
    • 20% - Itabi para sa ipon (Savings)

    Sa 50-30-20 rule, ang 50% o kalahati ng sweldo o income ay ginagamit sa sa mga pangangailangan o essentials, tulad ng mga bayarin sa bahay, transportation, pagkain, at iba pang mga bayarin.
    Ang 30% ay pwedeng gamitin sa mga personal na gastusin na hindi naman essentials. Ang matitirang 20% ay mapupunta sa iyong ipon tulad ng personal savings, emergency fund, o sinking funds. Hindi mo dapat galawin basta basta ang ipon na ito.

    Tipid Tip 2: Automate Your Savings

    Kung gusto mo ng hassle-free na savings, i-automate mo. Pwede ka mag-set up ng automatic transfer mula sa payroll account mo papunta sa savings account(s) mo kada payday. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan pang i-remind sarili mo na mag-ipon, maiiwasan mo pang magastos ang savings mo.

    Tipid Tip 3: Gumawa ng Sinking Funds

    May mga malaki ka bang pangarap tulad ng bagong gadgets, pag-ayos ng bahay, o travel? Maaari ka gumawa ng sinking fund at mag-tabi ng pera para dito kada buwan. Sa ganitong paraan, hindi mo mararamdaman na mabigat ang gastos kapag dumating na ang panahon na kailangan mo ito.

    Ganun lang ka-simple—regular savings para sa mga specific na needs! Kung wala kang maaisip sa ngayon na pag-ipunan, maari mo rin i-try muna ang mga ipon challenge.

    Kailangan mo ba ng gadgets para sa work o appliances para sa bahay?

    Pwede mo 'to bilhin ng naka-affordable installment kay Home Credit para hindi masyadong mabigat ang bayarin kada buwan!

    Tipid Tip 4: Monitor Your Monthly Gastos

    Makakatulong ang pag-track ng iyong mga gastusin or expenses para malaman mo kung saan napupunta ang iyong pera kada buwan. Bukod dito, makakatulong din ito para to stay on budget at maiwasan ang labis na gastos.

    Maraming paraan para ma-monitor ang expenses. Maaring ilista sa notebook, mag-download ng finance tracker na app sa cellphone, o gumamit ng spreadsheet sa computer.

    Tipid Tip 5: Maghanap ng Murang Alternatibo

    Make it a habit to be tipid at maging wais sa mga bilihin. Maghanap ng sulit alternatives para mabawasan ang mga gastusin. Halimbawa, imbis na bumili ng kape sa coffee shop o convenience store araw-araw, pwede kang gumawa ng kape sa bahay. Instead of buying food in restaurants, mas makakatipid ding magbaon ng packed lunch.

    Sa pagbili naman ng groceries, maging mapanuri sa pagpili at huwag magpadala agad sa mga malalaki at kilalang brands. Maraming mura pero magandang produkto. Subukan mong mag-explore ng alternatives kesa binibili ang mamahaling nakasanayan.

    Tipid Tip 6: Health is wealth! Alagaan ang Kalusugan

    Isa sa mga paraan para makatipid ay ang pag-aalaga ng iyong kalusugan. Ang expenses para magpa-checkup, magpa-confine sa ospital, o ang pagbili ng gamot (or maintenance meds) ay kayang posibleng kumain ng malaking halaga sa ipon mo.
    Kaya naman, ugaliing alagaan ang sarili at ang kalusugan. Kumain ng gulay at prutas, ugaliing maglakad-lakad o mag-ehersisyo, at bawasan ang mga bisyo.

    Sa Home Credit, support namin ang tipid goals mo!

    Suportado naming ang tipid goals mo, ka-HC, by providing accessible and convenient financial solutions para ma-manage ang expenses nang maayos. Hindi kinakailangan ng isang bagsakang bayaran! You can avail of flexible installment plans para sa mga essential na bilihin.

    Hindi lang yon, you can also monitor your transactions, monitor your spending, at mag stay on-budget gamit ang Home Credit app. I-download mo na mula sa Apple App Store o sa Google Play Store!

    • Savings
    • Budget-Tips
    • Financial-Literacy
    • Digital-Transactions

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with us