Are You Adulting Properly? Don’t Forget This Monthly Checklist!
When you’re an adult, marami kailangang intindihin.
-
Tips and Guides
-
Published March 05
Table Of Contents
Adulting may look easy on paper: work, earn, pay bills, repeat. Pero in real life, hindi siya ganun kasimple. It’s a collection of small responsibilities na kapag napabayaan mo, biglang sabay-sabay kang sisingilin—overdue bills, forgotten passwords, or worse, accounts na na-hack dahil weak ang password na ginamit mo.
Kung isa ka rin sa mga Filipino na nangangamba kung tama pa ba ang ginagawa pagdating sa adulting, don’t worry Ka-HC, we’re to help! Here’s a simple monthly adulting checklist para matulungan ka sa iyong adulting journey.
1. Bills and Payments
Hindi na bago sa atin ang “bills,” at madalas stress agad kapag dumarating sila. Mula utilities, rent, credit cards, loans, insurance, at iba pang recurring payments, puwedeng magpatong-patong ang gastos—at isang missed due date lang, posibleng mabaon ka sa late payment fees at interes.
Kaya sa simula pa lang ng buwan, ilista na lahat ng due dates sa planner, notes app, o spreadsheet. Mas mabuti kung naka-auto debit para less hassle at iwas late fees.
Kung may installments ka for appliances o gadgets through services like Home Credit, isama rin ito sa monthly tracking. Responsible borrowing is part of adulting—mas magaan ang buhay kapag on-time ang bayad at maayos ang record.
Need to track your loan payments?
If may Home Credit installment plan ka na, pwede mo siya makita sa app! Get reminders and pay your dues on time with the Home Credit App.
2. Utilities
Utilities are easy to ignore kasi parang automatic lang sila:
- Kuryente
- Tubig
- Internet
- Mobile plan
Pero madalas may pa-surprise pagdating ang mga bill.
Take time to compare your usage. Tumaas ba ang electricity? Baka may appliances na laging naka-on. Baka sobra yung internet plan mo for your actual needs. Small changes like unplugging devices or switching to a better internet plan can save you money in the long run. Adulting din ang pagiging mindful sa gastos.
3. Subscriptions
When was the last time you checked all your current monthly subscriptions? From streaming apps, cloud storage, gym memberships at kung anu-ano pa—yung ₱149 or ₱299 per month na parang maliit lang, pero kapag tinotal mo ang laki pala.
Once a month, check all your subscriptions and ask yourself: Ginagamit ko pa ba ’to? If not, cancel na. No drama. Mas okay na mapunta ang pera mo sa mas importanteng bagay.
4. Passwords
Halos lahat yata sa atin nakakaranas na makalimot ng password sa isa sa mga accounts natin. Nakakatawa sa una, ngunit ito ay isang seryosong issue na hindi balewalain. Dahil dito nakasalalay ang bank account, personal information at higit sa lahat, ang funds na pinaghirapan mo.
Gawing regular na habit ang pag-update ng important passwords. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng iisang password sa lahat ng accounts. Kung mahirap tandaan, puwede kang gumamit ng password manager app. Sa panahon ngayon, part na ng adulting ang pagiging maingat online.
5. ID Expiry Dates
Tulad ng mga passwords, madalas din makalimutan ang mga expiry dates ng IDs at iba pang mahahalagang dates. Minsan sa sobrang busy natin, hindi natin namamalayan na expired na pala yung valid ID na ginagamit natin.
Start by checking all your valid IDs. Alin sa mga ito ang pwede pang gamitin para sa mga government at business transactions? For starters, ang Philippine Passport ay may 10-year validity for 18 years old and above habang ang NBI clearance naman ay pwedeng gamiting for one year.
At the end adulting isn’t about being perfect—it’s about being responsible at consistent. Kapag may sistema ka sa bills, gastos, at accounts mo, mas less stress at mas kontrolado ang buhay. Small monthly check-ins today can save you from big problems tomorrow.