Init, Baha, Gastos?! Shocking Ways Climate Change Is Hurting Your Wallet

Climate change is affecting your budget in surprising ways—read the full article to learn how it impacts your finances.

Image Fallback Text

Table Of Contents

    Hindi na bago ang salitang climate change—madalas natin itong naririnig sa balita o nababasa sa iba’t ibang platforms. Pero gaano ka ba ka-informed tungkol sa tunay na epekto nito? Alam mo ba na hindi lang kalikasan ang apektado kundi pati ang iyong bulsa? Tama, may mga ‘hidden gastos’ ang climate change na baka hindi mo pa napapansin. 

    Narito ang mga shocking ways na sumasakit ang wallet mo dahil sa climate change—at paano mo mapapamahalaan ang mga ito: 

    1. Mataas na Bill ng Kuryente Dahil sa Init

    Iba na talaga ang init sa Pilipinas! Kaya naman, isa na sa mga must-have appliances ang aircon na madalas nakabukas lalo na tuwing summer—minsan pa nga, buong araw. Ang kapalit? Mas mataas na electric bill. Ayon sa mga eksperto, inaasahan pang tataas ang konsumo at presyo ng kuryente dahil sa patuloy na tumitinding init taon-taon. 

    💡 Tip: Gumamit ng energy-efficient appliances tulad ng mga inverter aircons, para mas makatipid ka in the long run. Kung gipit ang budget, may option ka rin na bumili ng appliances via Home Credit installment plans, para hindi masyadong mabigat sa bulsa. Download the Home Credit app to browse the latest inverter aircons available at 0% interest.

    2. Extra Gastos sa Kalusugan

    At dahil ang usapan ay tungkol sa init, alam mo na rin siguro ang epekto ng sobrang init sa ating katawan. Tuwing mataas ang temperatura sa labas mas mataas ang risk ng heat stroke at dehydration. Kapag walang patid naman ang ulan, mas maraming kaso ng dengue at leptospirosis. At kapag nagkasakit ka o ang pamilya mo, automatic gastos agad sa gamot at hospital bills, lalo na kung wala kayong HMO.  

    💡 Tip: Uminom ng maraming tubig (aim 6-8 glasses of water a day), gumamit ng mosquito repellant, at maghanda ng basic medicines sa bahay. Isaalang-alang din ang pagkakaroon ng insurance o HMO para hindi biglang sumakit ang bulsa kapag may medical emergency. In case of sudden expenses, consider Home Credit Cash Loan to borrow up to ₱150K cash.

    3. Mahal na Pagkain Dahil sa Extreme Weather Patterns

    Napansin mo ba kung gaano kabilis tumaas ang presyo ng gulay, prutas, at bigas kapag may bagyo o matinding tagtuyot? Tama, climate change din ang may sala. Kapag nasisira ang mga pananim, bumababa ang supply, kaya nagiging mas mahal ang pagkain sa palengke at mgaq grocery. 

    💡 Tip: Mag-budget ng maayos at maghanap ng alternatibong pagkain na mas mura pero healthy. Pwede rin mag-start ng mini garden kung may space sa bahay para kahit papaano, may sariling source ka ng gulay at prutas.  

    4. Sirang Appliances Dahil sa Baha at Brownout

    Isa sa mga karaniwang eksena tuwing may bagyo ay ang baha na abot-binti o tuhod, kasama pa ang brownout. At kapag ganito, hindi lang tayo mismo ang apektado kundi pati ang mga appliances sa bahay. Ref, TV, washing machine—lahat puwedeng masira. Ang ending? Dagdag gastos na naman para sa repair o replacement. 

    💡 Tip: Mag-invest sa voltage regulator o surge protector para iwas damage. Kung kaya, mag-invest din sa home protection plan. May mga affordable na insurance plans at coverage gaya ng inaalok ni Home Credit para protektado ang appliances at gamit mo sa bahay mula sa mga sakuna.

    Climate Change = Wallet Change

    Ngayong patindi ng patindi ang mga sakuna hindi lamang sa Pilipinas kundi pa sa iba’t ibang sulok ng mundo, ang climate change ay hindi lamang environmental issue, kundi financial issue rin. Bawat init, baha, at bagyo ay may kaakibat na gastos na minsan hindi natin agad narerealize. 

    Pero hindi rin ibig sabihin na wala tayong magagawa. Sa simpleng pag-save ng energy, tamang pag-budget, at paghahanda sa mga sakuna, pwede mong bawasan ang epekto ng climate change nito sa wallet. 

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with Us