Patung-patong Mga Bayarin? Alamin Kung Paano Makaahon sa Utang!

Ang utang ‘pag nagsabay-sabay, masakit sa ulo. Paano nga ba maiiwasan ang ganitong hassle? Eto ang 5 proven tips na puwede mong subukan.

  • calendar-icon Published November 25
Image Fallback Text

Table Of Contents

    Good news! May mga paraan para maiwasan ang pagiging baon sa utang. Alamin dito ang ilang tips para kontrolado mo ang iyong finances at makaahon sa mga utang.

    NO sa Biglaang YES sa Utang

    Huwag agad mag-oo pag inalok ka ng utang, lalo na kung hindi ka pa sigurado sa budget mo! Pag-isipin mo muna kung kailangan mo ang loan offer at alamin kung kaya ng budget mo bago ka mag-decide.

    YES sa pagtabi ng pera tuwing sumahod

    Isang magandang disiplina tuwing sumasahod ka ay magtabi ng pera, kahit 100 pesos lang, para matutuhan mong mag-save. ‘Di man ito madali, ‘pag nasanay ka, tiyak na ‘yung 100 pesos mo, may mararating ‘yan lalo ‘pag gipit ka.

    May nais ka ba bilhin?

    Pag may onti ka nang na-ipon, pwede mo i-try ang Home Credit installment plans para mas magaan ang bayarin monthly para sa mga nais mong bilhin.

    NO sa sabay-sabay na utang kung di kayang bayaran

    Iwasan pagsabay-sabayin ang utang. Hangga't kaya, isang utang lang ang kunin mo at bayaran muna ito.

    Kung kailangan mo kumuha ng isa pang utang, siguraduhin mo muna na kaya mo bayaran ang total monthly installments para hindi ka mabaon sa utang.

    YES sa pagbayad ng utang bago ang due date

    Para hindi mo na isipin, pwede mo agahan ang pag-bayad ng utang. Kapag natatawid mo na ang pagbabayad ng maaga o on time, mas madali kang makakadiskarte.

    Maganda pag on-time ka mag bayad!

    Kapag mag-bayad ka ng on-time sa Home Credit, posible ka makakuha ka ng Gift Payment o libreng last installment kung qualified ka!

    NO sa pagpapautang sa iba kung kapos ka rin

    Wag ma-pressure tumulong kung hindi kaya. Minsan, kailangan mo magsabi ng NO, lalo na kung utang na ang nakakaapekto sa budget mo. Tumulong kung kaya, pero unang unahin ang sarili para makaahon sa utang.

    Paano maningil ng utang in a nice way?
    Walang masama sa pagsingil sa mga pinautang mo na kaibigan o kamag-anak! Itanong mo lang kung kailan sila pwede magbayad sa magaan at magalang na paraan.

    Andito ang Home Credit para sa pangangailangan mo!

    Kung kailangan mo ng loan at alam mong kaya mo itong itawid sa tamang oras, andito kami para itawid ka! Aasenso ka rin. Tandaan: Ang utang ‘di masama kung alam mo itong kaibiganin.

    Read more articles!

    • Loan
    • Budget-Tips
    • Financial-Literacy

    Improve Your Home Credit Experience

    This website uses cookies to improve your experience. No personal data is tracked. By browsing, you agree to our use of cookies as indicated in our Privacy Notice.

    Chat with us