Good news! May mga paraan para maiwasan ang pagiging baon sa utang. Alamin dito ang ilang tips para kontrolado mo ang iyong finances at makaahon sa mga utang.
NO sa Biglaang YES sa Utang
Huwag agad mag-oo pag inalok ka ng utang, lalo na kung hindi ka pa sigurado sa budget mo! Pag-isipin mo muna kung kailangan mo ang loan offer at alamin kung kaya ng budget mo bago ka mag-decide.
YES sa pagtabi ng pera tuwing sumahod
Isang magandang disiplina tuwing sumasahod ka ay magtabi ng pera, kahit 100 pesos lang, para matutuhan mong mag-save. ‘Di man ito madali, ‘pag nasanay ka, tiyak na ‘yung 100 pesos mo, may mararating ‘yan lalo ‘pag gipit ka.
NO sa sabay-sabay na utang kung di kayang bayaran
Iwasan pagsabay-sabayin ang utang. Hangga't kaya, isang utang lang ang kunin mo at bayaran muna ito.
Kung kailangan mo kumuha ng isa pang utang, siguraduhin mo muna na kaya mo bayaran ang total monthly installments para hindi ka mabaon sa utang.
YES sa pagbayad ng utang bago ang due date
Para hindi mo na isipin, pwede mo agahan ang pag-bayad ng utang. Kapag natatawid mo na ang pagbabayad ng maaga o on time, mas madali kang makakadiskarte.
Maganda pag on-time ka mag bayad!
Kapag mag-bayad ka ng on-time sa Home Credit, posible ka makakuha ka ng Gift Payment o libreng last installment kung qualified ka!
NO sa pagpapautang sa iba kung kapos ka rin
Wag ma-pressure tumulong kung hindi kaya. Minsan, kailangan mo magsabi ng NO, lalo na kung utang na ang nakakaapekto sa budget mo. Tumulong kung kaya, pero unang unahin ang sarili para makaahon sa utang.
Paano maningil ng utang in a nice way?
Walang masama sa pagsingil sa mga pinautang mo na kaibigan o kamag-anak! Itanong mo lang kung kailan sila pwede magbayad sa magaan at magalang na paraan.
Andito ang Home Credit para sa pangangailangan mo!
Kung kailangan mo ng loan at alam mong kaya mo itong itawid sa tamang oras, andito kami para itawid ka! Aasenso ka rin. Tandaan: Ang utang ‘di masama kung alam mo itong kaibiganin.